“Tito Martin, please. Think about this. Bakit dito ka pa titira? It’s not safe. Alam mong lahat ng alaala ng mga ginawa ni Tita Catherine nandito.” ani Celestine na hawak hawak ang kamay ni Martin habang inaalalayan itong bumaba ng van. Sa mansion ng mga Zulueta nag pahatid si Martin. Ayaw nitong sumama sa bahay nila Mateo, gusto nito sa dati nilang bahay dahil mas kumportable daw ito roon. Kahit anong pilit niyang sumama na lang ito sa kanya sa bahay nila Mateo dahil malaki din naman ang bahay nila Mateo at maraming extra na kuwarto pero ayaw talaga ni Martin. Sapat na daw na may kasama itong mga katulong sa bahay na yun at isang private nurse na mag-aalaga dito sapat na daw iyon. Ngunit hindi pa rin sya kumportable na basta na lang itong iwan dun. Hindi pa ito nakakalakad at meron metal

