"Celestine, tandaan mo. Walang ibang pwedeng magdikta ng mga hakbang mo kundi ikaw. Ang Tita Catherine mo, na asawa ko, oo… pero sa mata ng board, acting chairwoman siya. Sa sandaling ipakita mo na buhay ka at buo ang kapasidad mo, babagsak ang lahat ng hawak niya. Mababawi mo ang lahat ng nawala sa'yo, kailangan mo lang ipakita sa lahat na ikaw ang lehitimong Zulueta." wika ni Martin habang naka pikit si Celestine na nakasandal sa backseat ng kotse niyang roll-royce, nakasuot ng dark green power suit na may gintong detalye, sleek ponytail, at sunglasses na may manipis na frame. Nasa tabi niya si Martin, ang matandang lalaki na may hawak na leather-bound folder. Ang nag-iisang taong kaya niyang pagkatiwalaan after ng lahat ng nangyari sa buhay niya. Dahan-dahan na nag dilat ng mata si Ce

