"Wag mo na lang pansinin ang sinabi ni Lolo." ani Teo habang nag lalakad na sila pauwi sa bahay ni Tin na malapit lang naman sa bakery. "Nakakakita ba ng future si Lolo, may third eye ba siya?" wala sa loob na tanong ni Tin kay Teo. "Hindi ako sigurado pero faith healer si lolo nung nasa Pilipinas pa kami." napalingon naman si Tin sa asawa atg napahinto sa paglalakad. "Faith healer ano yun?" puzzle na tanong ni Celestine na parang ngayon lang nakarinig ng salitang ganun. "Para kang hindi taga Pilipinas, hindi mo alam ang faith healer." "Hindi, mayaman kasi ako ng nasa Pilipinas ako. Alam mo yung heiress, tagapagmana." sagot ni Tin na tinawanan na lang ni Teo na napailing sabay buga ng hangin. "Taga pag mana ka e bakit nandito ka ngayon at pumapasok sa kung ano-anong tra

