Nagkatinginan silang dalawang mag-asawa habang nasa loob sila ng consultation room. Nakaupo si Celestine tahimik na hawak-hawak ang tiyan niyang anim na buwan na, ramdam na ang bawat galaw ng sanggol sa sinapupunan niya. Si Teo naman, nakaupo sa tabi niya na panay din ang himas sa tiyan niya habang diretso ang upo at halatang rin alerto sa bawat salitang sasabihin ng OB niya. "Hey! Relax, check up lang to," ngiti ni Tin na nilingon ang asawa. “I'm relax, I'm just a bit of nervous.” huminga naman malalim si Teo na bahagya pang ngumiti. Lumapit naman si Celestine at bumulong sa asawa. "Ang sabi mo kanina the baby and I is safe na... at oras na nakuha mo na ang 2nd opinion na gusto mo, pag bibigyan mo na ang gusto ko." "Tin, I know what I said but we need to be—>' “You sound so dramat

