“Ma’am… Ma'am! Ang dami po ng mga pulis sa labas sa mga reporter." humahangos na sigaw ng isang katulong na nag mamadaling pumasok. Salubong naman ang kilay ni Catherine habang may kausap na general na siyang tinatapalan niya ng malaking pera para mapagtakpan ang mga kasong nakasampa sa kanya. Kaya nagulat siya ng sabihin na may pulis sa labas ng bahay nila. Mabilis na biniba niya ang hawak na wine glass pagtingin niya sa cellphone wala na ang kausap niyang general. "Anong kailangan nila sa akin?" "May dala daw po silang warrant sa inyo ma'am?" "Warrant? For me? That’s impossible. Walang may lakas ng loob na kalabanin ako dito.” Bago pa siya makatayo, bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong pulis, kasunod ang isang chief inspector. May kasamang media sa labas, kita sa flashing lights n

