Hinampas ni Celestine ang kamay ni Teo na nasa hita niya, sabay tingin ng masama dito habang nag dadrive. Napangiti naman si Teo na napalingon sa asawa. "What?" inosente pa nitong tanong. "Anong what? Kanina ang kamay mo nandito lang sa kambyo, then napunta sa tuhod ko. Ngayon nag preno ka lang nasa hita ko na." malakas naman humalakhak si Teo. Bumalik naman sa pag s-scroll sa tablet si Celestine na busy sa pag babasa ng mga pangit na article na lumabas tungkol sa kanya. At gaya ng napag-usapan nila ni Teo tama nga ang hinala nito na frame up lang talaga siya at anytime soon puputok ang news about her at heto na nga. Habang busy sila ni Teo 24 hrs na pag hohoneymoon, pinag fifiestahan na pala siya sa social media, newspaper at television. Puro blind item na obvious naman na siya ang tinu

