Magkahawak kamay na lumabas na sila Mateo at Tin mula sa clinic. Hindi maitago na masaya sila matapos ang check-up at konting hot scene na hindi napigilan. Si Tin ay may hawak na bottled water at chips, habang si Mateo ay busy na nagche-check ng susi sa bulsa hanggang makarating sila kotse ng mapuna na wala ang cellphone niya sa bulsa. Kaya ini-unlock na muna niya ang kotse at pinapasok si Tin. "Tin, dito ka lang muna babalik lang ako sa clinic. Naiwan ko ‘yung phone ko sa office. Babalikan ko lang sandali, five minutes lang ‘to, promise." ani Teo. "Yan kasi kung ano-ano ang inuuna kaya nagiging ulyanin ka na." ani Tin na ikinangiti naman ni Teo. "Sige, bilisan mo ha. Baka pagbalik mo, ubos na ‘tong chips." wika pa ni Tin na tinawanan na lang ni Teo at hinalikan s a pisngi ang a

