UNTI-UNTING nagkaroon ng malay-tao si Roxy. Napakasakit ng ulo niya. Ano bang nangyari? Muli niyang ipinikit ang mga mata upang alalahanin ang nangyari kung bakit masakit ang ulo niya ngayon. Bigla siyang napamulat nang maalala na niya ang lahat. Nakita niya ang walang buhay na katawan ni Celine sa dagat. Tapos tumakbo siya papunta sa vacation house para sabihin iyon sa mga kasama pero may biglang humampas ng matigas na kahoy sa ulo niya mula sa kaniyang likuran. Nawalan siya ng malay. Napahawak siya sa likod ng kaniyang ulo at tiningnan ang kamay. May bahid iyon ng dugo. Luminga siya sa paligid at doon lang niya nalaman na nasa gubat siya at padapang nakahiga sa lupa. Sinubukan niyang bumangon pero umiikot ang kaniyang paningin. Malakas ang kutob niya na ang nagdala sa kaniya dito ay '

