NAGISING si Carlson na nakahiga siya sa ibabaw ng isang nakatumbang puno sa gubat. Ang tanging suot niya ay shorts at wala siyang pang-itaas. Nakatali ang mga kamay at katawan niya doon. May busal siya sa bibig kaya hindi niya magawang sumigaw para humingi ng tulong. Masakit ang ulo niya at buong katawan. Pero mas masakit ang likuran niya. Mahapdi iyon at parang puno ng sugat. Takot na takot na iginalaw niya ang ulo upang makita ang kaniyang kapaligiran. May bonfire sa may tabi niya at may takureng nakasalang doon. Ang huli niyang natatandaan ay kumakain siya sa kusina at may taong nagbigay sa kaniya ng tubig. Inantok siya at nawalan ng malay-tao. Kung ganoon, malaki ang posibilidad na sinadya nitong patulugin siya at dinala siya nito dito. At sigurado na siyang ang taong iyon ang pumatay

