NAPAHINTO si Marco sa tapat ng isang parlor ng umagang iyon. Bibili lang sana siya ng pagkain nang mapadaan siya doon. Mula sa labas ay nakikita niya sa glass wall ng naturang parlor ang isang baklang abala sa paggugupit sa isang babae. Natatandaan niya ang baklang iyon. Iyon 'yong lumalandi nang harap-harapan kay Damian. Sinundan niya kasi noon si Damian at pumasok ito sa parlor. Nagkunwari siyang magpapagupit at nang makita niya kung paano lantarang landiin ng bakla si Damian ay talagang nagalit siya dito. Habang patagal nang patagal ang pagkakatitig niya sa bakla ay parang mas lalong kumukulo ang dugo niya dito. Sa lahat pa naman ay ayaw niyang may ibang nagkakagusto sa lalaking gusto niya. Si Damian ay kaniya lang! Walang pwedeng magkagusto dito kundi siya lang! Talagang papatayin niy

