NANG bumalik ako kay Mia ay bakas ang pagkainis ko at napansin 'yon ni Tristan. Halos magdikit ang kilay ko sa pagkakasalubong nito. "Everything okay?" tanong nito. "Oo, ayos lang," pinilit kong ngumiti sa kanya. "Hindi ko pala nakwento sa 'yo. Sa amin ang resort na ito," sabi n'ya. Nagulat ako. "Talaga?" Tumango ito. "Yes, Kings and Queen. My parents were fortunate to have found this property back when it wasn't expensive. Noong nagretire sila, sa akin na ibinigay ang pamamahala." "Huwag mong sabihin na sa inyo rin ang Kings sa Marinduque?" Tumango ito. "You know that place?" "Oo." I've been there countless of times. Ang totoo ay madalas ako doon kasama ni Alexis noong nasa kolehiyo pa kami tuwing bakasyon. Uuwi ako galing Amerika at doon kami pupunta. Minsan kasama ko ang mga

