Chapter 40 NAPOLEON… NAIINIP NA ako, hanggang ngayon wala pa ring kahit na anong lead na nakukuha kung saan ko makikita ang asawa ko. Pakiramdam ko napaka-useless kong tao sa mga oras na ito. Naghihintay lang ako ng magiging sagot o lead mula sa mga kasamahan ko. “Hey, manalig ka mahahanap ni Poseidon si Carmella.” Ani Hades sa akin. Nasa ospital pa rin ako ng mga oras na ito, nagpapagaling dahil iyon ang sinabi ng Lolo Dos ko. Ayaw niya akong palabasin ng ospital kung hindi pa ako fully recovered. At si Hades ang ginawang tagabantay ko kung sakali at sigurado silang lahat na tatakasan ko sila. “Dapat ako ang naghahanap sa asawa ko ng mga oras na ito,” sabi ko na lang. “Magpagaling ka, kailangan na fully recover ka kapag sumabak na naman tayo sa laban. Ikaw ang front, kaya kailangan

