ANG kagabi ang pinakamasayang gabi para sa mag-asawang sina Nickson at Olive. Ang aminin sa isa't isa ang nararamdaman. At sabihin kung gaano nila kamahal ang bawat isa. Nakangiting pinagmamasdan ni Nickson ang asawa na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Alas kuwatro na ng madaling araw ay gising na kaagad siya. Masaya siyang katabi na ang asawa sa iisang kama na natutulog. Pero wala pa ring nangyayari sa kanila. Mas gusto ni Nickson na maghintay. Ayaw niyang madaliin ang lahat para sa kanilang dalawa. Ang importante ngayon ay alam na nilang pareho na mahal nila ang isa't isa. Hinahaplos niya ang buhok ng asawa. Habang nakayakap ang isang kamay sa beywang ni Olive. Nakangiti na humiga siya ay isinandal ang ulo ng asawa niya sa dibdib niya. Saka muling ipinikit ang kanyang mga mata a

