MALAMIG ang simoy ng hangin. Magkatabing nakaupo sina Nickson at Olive. Binigyan sila ni Reine ng pagkakataon na magkasarilinan at pag-usapan ang lahat ng mga naganap noon. Napasulyap si Nickson sa asawa niya. At napansin niyang parang nanginginig sa lamig ang asawa. Kaya hinubad niya ang kanyang jacket at ipinasuot iyon kay Olive. "Salamat," sabi ni Olive. Ngiti lamang ang tugon ni Nickson. Saka muling itinuon ang tingin sa kawalan. "Makikinig ako, Nickson. Sabihin mo sa akin ang lahat lahat," aniya pa. Binasag niya ang katahimikan ni Nickson. Muling tumingin si Nickson kay Olive. Seryoso ba itong gusto nitong marinig ang lahat? Baka mabigla ito at magulat sa kanyang malalaman. "Pero sa oras na malaman mo. Kaya mo ba akong tanggapin muli sa buhay mo?" Untag no Nickson. Balak naman ni

