Tanya's POV Sinong hindi nangangarap na mahalin ng taong mahal mo? Kahit sino naman mapababae o mapalalaki pa siya. Kahit ang mga bakla o tomboy ay nangangarap din na mahalin ng taong mahal nila pabalik. Simpleng pangarap iyon kumpara sa ibang pangarap mo sa buhay. Mahirap ding magmahal, dahil laging may risk at laging may isasakripisyo ka. Hindi lagi na masaya kayong dalawa na magkasama ng mahal mo. May away, tampuhan at mga paghihiwalay. Ang mga narealised ko habang nagmamahal. Dahil ako din ay nangangarap na mahalin ng taong labis kong minamahal. Si Marky ang bestfriend ko. Ang aking first love. And the only one, love of my life. "Tanya, may klase pa tayo mamaya. Tulala ka na naman diyan," saway ng kaibigan ko. Andito kami ngayon sa canteen ng University. Same course kami ni Macky
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


