BUONG biyahe na nakasimangot si Via. Katabi niya sa upuan si Nickson, walang nagawa ang mga pag-iwas niya at mga pagtanggi niya sa binata. Ang akala niya ay kasama ng manager ito sa isang sasakyan. Paalis na sana sila ng biglang humabol itong boss nila at sa kanya pa tumabi. Kilig na kilig naman si Reine na panay ang silip kay Nickson. Kung alam lang nila na may nakaraan sila ng lalaking katabi. Baka lalpng mahimatay si Reine. "Letseng buhay ito, oh! Napakamalas naman," nasabi ni Via sa isip. Nakasandal si Nickson sa headrest na nakashades. Nasa may bintana naman ang puwesto ni Via. Wala na siyang kawala, corner na corner siya ng binata. Hindi pa niya alam kung gising ito o tulog, hindi kasi ito gumagalaw. "Kahit na dalawang taon na ang lumipas. Bakit ganon? Hindi pa rin kaya nagbabago i

