NAGPASYA nang bumalik ng Maynila ang mag-asawa. Hindi naman na magiging maganda ang bonding nila sa isla. Tila naging mailap sila sa isa't isa. Nagkaroon na ng ilangan dahil sa naganap sa kanila sa falls. "Olive! Kumusta ang buhay mag-asawa? Ano may nangyari na ba?" malakas na tili ni Ashley. Isang buwan din ang bakasyon ni Olive. "Okay naman. Saka ano naman ang mangyayari?" malumanay na sagot ni Olive. "Talaga? Wala pa. Bakit?" sunod-sunod na tanong ni Yza. "Hindi naman ako mahal ni Nickson. Kaya paano may mangyayari sa amin?" "Ang sabihin mo ikaw ang umiiwas. Kaya gan'on. Sabihin mo nga, hanggang kailan mo ba ikakaila sa amin na gusto mo si Nickson?" tanong ni Ashley. Halatang-halata ang kaibigan nila. Si Nickson Valderama, ang asawa niya. Nasa lalaki na ang lahat nang gugustuhin ng

