"SIGURADUHIN ninyong safe sila. At huwag na huwag kayong lalayo sa kanya. Bantayan ninyong maigi at ireport sa akin ang lahat ng nangyayari sa kanya," madiing utos ni Nickson. May anim na buwan na rin noong umalis si Olive. Iniwan ng asawa ang pamilya niya at maging siya. Walang makapagsabi at makapagturo kung nasaan ang kanyang mahal na asawa. Buti na lamang at may natrace sa CCTV noong gabing na nawala ang asawa. Araw-araw na sinisiguro ni Nickson na nasa maayos ang kanyang mag-ina. Kahit na nasa malayo ay nababantayan niya ito. Hindi na siya magagalaw pa ni Crissa. Nagdidiwang ngayon si Crissa dahil sa ang akala nito ay tuluyan na siyang nakuha. Ang hindi nito alam, matagal na niyang alam ang plano nito kay Olive. Habang si Crissa ay masayang-masaya. Ang akala niya ay magtatagumpa

