“Bakit mo ako pinatawag dito sa opisina mo?” matabang na tanong ni Ruthanya sa CEO. She stood stiffly in front of him from the other side of the executive table. Tila may hindi nakikitang kalasag sa mga mata ng dalaga, na ginagawa nitong panangga laban sa kanyang maiinit na titig. Kampante lang na nakaupo sa swivel chair si Luther at nakatitig sa magandang mukha ng dalaga. Hindi niya alintana na para itong palaging may nakahandang panalag, na tila ba ang tingin nito ay dadaluhungin niya ito oras na bumaba ang dipensa nito. His eyes intently watched the woman in front of him. Even after ten long years, her face remained the same. Wala itong gaanong pinagbago. Kung tutuusin ay mas lalo itong gumanda at naging mas kahali-halina. She was like a leaf which never fell off from the tree. No, o

