Dama ni Ruth ang mga mapanghusgang tingin ng mga empleyadong nabibilang sa Sales Department. Nakikita niya ang mga titig ng mga itong tila sinusukat siya, tila gusto siyang kutyain, at tila gustong isinghal sa pagmumukha niya na mababang uri siya ng babae. Huminga siya nang malalim at pilit na lang inignora ang mga iyon, kahit na ang totoo ay gusto niya rin namang malaman kung anong tsismis ba ang kumakalat tungkol sa kanya para sana naman ay madepensahan niya ang sarili at maipagtanggol. Napatingin siya sa isang miyembro ng kanyang team na nakayuko sa cellphone nito at saktong pag-angat ng mukha nito ay nagkasalubong ang mga titig nila. Nag-iwas agad ito ng tingin at eksaherado ang kunwari ay bigla nitong pagtipa sa keyboard. Napailing na lang siya. “Everyone, proceed to the auditoriu

