" Chapter 63: Dazed. " ****** Ilang sandali ang lumipas ay dahan dahan kong ibinaba ang kamay kong may hawak ng potion. Isinilid ko ito sa bulsa kasabay ng paglingon ko sa taong nagtawag sa aking pangalan. " Aerah. " - bati ko sakanya. Ngumite sya at lumapit sa kinaroroonan ko. Mukang magaling na sya, bukod sa nakakalakad ay hinde naren sya nakasuot ng hospital gown. Umupo sya sa lapag. She pat the space next to her kaya umupo ako doon. Ilang minuto ang lumipas at walang nagsasalita saamin. Tanging huni ng ibon at mumunting pag buntong hininga lamang ang maririnig. Kung magpapatuloy na ganito ay aalis nako. Wala den naman akong intensyon na magtagal. Hinde ko naren naman nagawa ang pakay ko. Tatayo na dapat ako ng magsalita sya. " Ayumi. " - pigil nito saakin. Sa pagkakatanong ito t

