Nadine's POV "Nads!" Napalingon ako nang marinig kong tinawag ang pangalan ko. Nakita ko si Cess na humahangos na sumusunod sa akin papasok nang campus. "Oh, ngayon ka lang din?” tanong ko kay Cess nang sumabay ito sa akin sa paglalakad. "Yeah. Napuyat ako kagabi. Uh! I dreamed of something horrible last night kaya hindi ako nakatulog ulit." Tiningnan ko ang hitsura ni Cess at nakita ko nga ang panlalalim at pangingitim ng mata nito. "Wow! Laki ng abs mo, ah!” puna ko. "Abs...what?!" "Ayan Oh!” sabi ko na tinuro ang eye bags nito. Cess rolled her eyes at tinakpan ang mukha. "Pumangit na ba ako, Nads? Oh, no!” tanong nito ng pabulong. "Ah.. puwede bang huwag na nating pag-usapan? Baka hindi ko mapigilang magsabi ng totoo, eh!" "Baliw!” nanlalaki ang mga matang tiningnan ako

