Chapter Five: Game

3314 Words
Chapter Five: Game Hindi ko sinabi kay Mommy na kumain ako ng street food dahil baka pagalitan niya ako. Pero sobrang na enjoy ko ang araw na iyon. Dumaan din ang mga araw na ganoon parin. Mas nagkaroon ako ng maraming boding time sa mga kaibigan ko. Nong isang araw lang ay lumabas kami para kumain at mabuti nalang ay pumayag si Mommy at Daddy non. We went to Mall and roam around. Sobrang nakakaenjoy iyon lalo na ang kulitan nila. "Ang takaw mo talaga Trixie" pang aasar ni LJ. Trixie glared at him. "Heh! Wala kang pakialam. And I'm not concious to my body. Tumaba or pumayat man ako wala akong pakialam" "Wala din naman akong pakialam. Tumaba ka man o pumayat, gusto parin kita" Ani LJ sabay kindat. Natawa nalang ako pero kinikilig din, ang cute kasi nilang dalawa eh. Kahit astig at matapang si Trixie, she's really kind and soft. Nag asaran na rin sila Hannah. Kita ko na kinikilig si Hannah sa tuwing inaasar kay Gelo. "Gelo ligawan mo na kasi si Hanny" Saad ni LJ. "It's Hannah, LJ. Hmm, depende pa" Ani ni Gelo sabay tingin kay Hannah. Medyo namula tuloy iyong pisngi niya. Tinukso na silang dalawa. Nahagip ng mata ko si Austin. Kanina ko pa mapapansin ang pasulyap sulyap nitong tingin kay Hannah. It's confirmed. Hays, kawawa naman siya. "Are you okay?" Kyle asked. I nod at him. Bumili rin kami ng mga damit. Sobrang ingay pa namin sa shop kaya pinagtitinginan kami ng iba. Di naman mawawala ang pasimpleng tingin ng teenagers kina Kyle. Mga gwapo kasi pero sobrang kulit. Nong hapon na ay umuwi na rin kami. Sumakay na sila sa kanya kanya nilang sasakyan. Kyle also has a white Benz. Susunduin naman ako ng driver namin. Nauna na silang umuwi habang sinamahan muna ako ni Kyle maghintay. "Thanks Kyle. See you" paalam ko. Papasok na sana ako sa sasakyan nang hilahin niya ang kamay ko. "I'll text you. Good day, Angel" I smile and nod at him. After I did my evening routine ay humilata na'ko sa kama. Masaya si Mommy nong makauwi ako kanina. She didn't regret that she allowed me. Atleast she let me try this kind of stuff. Biglang tumunog ang cellphone ko and it's Kyle. I answer his call. [How's dinner Angel? If kumain na'ko, yes I already ate] Napatawa nalang ako. "I didn't asked, Preston. [Hey! What's with a surname basis? Wait, gusto mo rin ba maging Preston?] "Heh! Ayaw mo ng Preston, okay. Hmm, nice siguro ang Xhian. Right, Xhian?" I was trying to annoy him. [Anong nakain mo ngayon, Angel? Bakit ganyan ka? Hindi kana good gir, inaaway mo na ako] he said in a baby tone. I laugh so hard. "Di bagay sa'yo mag baby talk. And I'm not inaaway you. Just trying to tease you.." Tumaas pa ang tawag namin. Kahit ano ano lang ang topic namin. Umabot pa nga sa pag kwkwento sa family ko so I asked the question back to him. [Ah, my family is okay... Ahm, by the way, Angel malapit na ang game namin, manood ka ha? I'll get you a ticket] "Ay oo nga pala, sure sure. Good luck, Captain! You can do it" [Thanks...] Halos di ko na namalayan ang oras at natapos lang ang tawag na almost 11 na. First time kong matulog ng 11. Si Kyle naman kasi masyadong talkative, ay fault ko rin pala. Nahiga nalang ako ng maayos at nag pray bago matulog. Tomorrow morning is Intramurals Days. Ngayon din ang soccer match nila Kyle sa ibang school, it held in Sebastian High. Di na'ko nagpabaon ng lunch kay Mommy pero sinabi ko na baunan niya ako ng energy drink at water. "Mom, Dad I'm off to school. Love you" Sumakay na'ko sa kotse papuntang school. Pagkapasok ay maraming students ang naglalakad sa quadrangle. May mga food stalls at booths din. Since color coding kami kaya pink ang sa'min. I just paired it with white jeans. "Ayeeee! You're so pretty naman" Hannah said. Mas maganda siya sa pink shirt at mini skirt niya. "Hi Aye. Halina kayo, the boys are waiting in SHS" Trixie is also pretty to her simple look. Sa kotse kami ni Hannah sumabay. Medyo malapit lang naman ang Sebastian High kaya madali kaming nakapunta. Marami ring students ang nandito. Deritso na kami sa Open Field. Kahit medyo mainit ay marami paring tao na nanood. The SHS students holding their banner and balloons for cheering to their team, same to our team. Hinila lang ako ni Trixie malapit sa players namin. May bleachers doon. Sumunod lang sa'kin si Hannah. Andon na ang mga players at ang cheerleading team na pinangunahan ni Eva na cheerleading captain. Nagtaka ang mata namin ni Kyle kaya nginitian ko agad siya. Nag wave naman ang tatlo sa'kin. Umupo na kami dahil ilang minute ay magsisimula na ang game. Nag cheer muna ang mga cheerleaders. Magaling si Eva sumayaw, maganda pa. After non ay magsisimula na. Bago nagsimula ay lumapit muna si Kyle sa'kin. "Can I have a goodluck with you, Angel?" "Goodluck, Captain! You can do it. I trust you and I'll just support you here." I said. He smile. "You'll cheer for me? Gusto kong marinig iyon mamaya. Okay na ang goodluck mo." He said and wink. Sinagi naman ako ni Hannah at binigyan nila ako ng makahulugang tingin. Napailing nalang ako at tinoon ang tingin sa field. Di mawala ang ngiti sa labi ko. Nagsimula na ang game at medyo mainit ang labanan dahil magaling ang SHS. Kanya kanya namang sigawan ang magkabilang team. Kahit si Hannah ay sumigaw narin para mag cheer. Tahimik lang kaming dalawa ni Trixie pero pumapalakpak naman kami. VHA got the first score pero madaling nalamangan ng SHS. Dumaan ang ilang rounds ay lamang parin ang SHS. Nong break time nila ay inabot ko kay Kyle ang energy drink at towel. "Sana all. Baka naman may magbigay ng tubig o towel sa'kin jan" parinig ni LJ. "Tsk, eto tubig mo. Ginagawa mo kong alalay, ulupong ka" Saad naman ni Trixie. "I thought you'll cheer me up.." nagtatampo nitong sabi. "Nag cheer naman ako kaso mahina nga lang" Sinabi na ng coach na tapos na ang break. Tumayo na silang lahat pero nagpaiwan muna si Kyle. "Mag cheer ka sa'kin and I'll promise, I'll win this game" bulong nito bago sumama sa team niya. Bumalik nalang din ako sa upuan ko. Nagsimula na ulit ang game at mas lalong naging intense ang laban. Naka points ulit ang kabilang team. Then, naalala ko ang sinabi ni Kyle sakin kanina. Marami ang nag checheer para sa team namin. Hingang malalim akong tumayo. Nagtaka naman si Trixie. With all my breath I shouted. "Go Kyle! Go Valencia Warriors! You can do that. Go fight, win!" Napatingin si Kyle sa'kin at ngumiti bago kumindat. Ramdam ko naman ang mga tingin nila sa'kin. Napatalon ako sa saya nang makapuntos sila. Tinanggal ko muna ang hiya ko at nag cheer para sa kanya, kanila. And we all shouted and jumped because of happiness coz we won. Kyle happily hugged his teammates and not boastfully handshake with the other team. I can see that he is a good Captain. We all congratulate them. They did a good job and won the game. Lumapit si Kyle sa'kin. "Congrats, Captain, you really did it" "See? As I promise." Pagkatapos ng game ay bumalik kami agad sa school. Marami pang mga laro ang meron. The basketball game held in our school so may basketball match ngayon. Nagbihis muna ang boys kaya nag ikot ikot muna kaming tatlo. "Bili muna tayo. I'm starving" Hannah said. Sinangayunan naman namin siya. It's almost lunch time kaya sabay sabay nalang kaming pito. We ordered first a cookie while waiting for them. Mga ilang minuto lang ay nakita ko na sila papunta sa deriksyon namin. Pero may kasama sila.. sila Eva at ang kaibigan nito. "Hi guys. Mind if I join in your lunch time?" Saad nito. "No---" I cut Hannah off. "It's okay. Pwede naman" I said with a smile. It's rude to say no. Nagpaikot ng mata nalang si Hannah. Kyle asked me if it's really okay and I said yes. Wala namang mali kung sumama siya. Tsaka mas maganda narin iyon para marami kami. Napili namin iyong malapit lang sa school na restaurant. Pinag isa namin iyong table para isahan nalang. Nag simula narin kaming mag order. "Ah, Kyle what do you want? Steak? I heard you really like it" Saad ni Eva Kay Kyle na nasa harapan nito. Magkatabi kasi kami ni Kyle at ang kaharap ko ay si Hannah. "I'm fine, Eva..." He face me. "Anong gusto mo?" "Ah,..." Napatingin agad ako sa menu at pumili. Pinili ko nalang iyong carbonara at iyon din ang order ni Kyle. Nong dumating na ang order namin ay kumain na kami. The silence is so awkward. Si Eva naman ang unang bumasag sa katahimikan. "So Ayezah, saan ka nag school dati?" Eva asked. "Ah, I'm home schooled" "Oh, I see." Umiwas ako ng tingin. Di ko kasi gusto iyong paraan ng pagtitig niya sa'kin. Her stares is as if judging me in her mind. Nagpaalam muna ako na mag comfort room. Hinugasan ko ang kamay ko. Then, Eva suddenly appeared. Nilabas niya ang pouch niya at nag lagay ng make up. "You know Ayezah let me straight forward, I don't like you. Sa unang tingin ko palang sa'yo, I know that you're just a attention seeker" Nangunot ang noo sa sinabi ni Eva. Hindi ako ganoong tao and I don't have a reason to get attention. Oo, gusto ko ng kaibigan pero hindi naman ako attention seeker. I sigh. " I'm not an attention seeker, Eva. I'm sorry if you don't like me. Pero sana there's still a chance that we became a friend" I smile before I leave. Hindi naman ako magagalit sa kanya kung ayaw niya sa'kin. Malungkot lang pero okay lang iyon. Sana magiging kaibigan ko parin si Eva. I want to be friends with her naman. Sa buong araw ay nanood lang kami ng game, kain at lakwatsa. Nong lunch time pa nag paalam sila Eva. Inirapan niya pa ako bago umalis. Well, she really disliked me. Sumasali rin kami sa ibang gaming booths. "Trixie babes samahan mo'ko sa Faculty ni Miss Asuncion" "Huh? Ayoko nga..." Hinila ni LJ si Trixie paalis. Pagkaalis ng dalawa ay sumunod naman ang tatlo. Naiwan kami ni Kyle dito sa bench, hawak ko pa iyong blue lemonade na binili ko. Hapon na kaya di na masyadong mainit, tsaka may puno naman. Nakatanaw lang kaming dalawa sa quadrangle na puno ng students. Ang cute lang tingnan na schoolmates ko silang lahat. Nong home school kasi ako ay wala akong classmate pero ngayon meron na. Kinuha ko ang phone ko at kinunan ng litrato. "Picture tayo." Nakangiti kong sabi. "Ayoko" sagot nito. Napanguso nalang ako sa s**o niya. "Sige na. Pleaseee..." Nag pa cute pako para pumayag. Napangiti nalang ako ng malaki nang pumayag siya. "Buti nalang at...." "Ano sabi mo?" Tanong ko, di ko kasi narinig iyong binulong niya. "Wala. Sabi ko, sige na.." Nag picture na kaming dalawa. Four shots din iyon. Nag thank you ako pero ginulo niya lang ang buhok ko, habit niya na talagang gawin sa'kin iyon. "Kyle do you believe in true love?" I suddenly asked. "Hmm, ewan. Hindi naman siguro para sa lahat ang true love" "Hindi naman siguro. We all have our true love. May mga tao na nakatakda para satin na mahalin habang buhay. True love exist." Iyon ang paniniwala ko. Lagi iyon ang sinasabi ni Mommy sa'kin. Even in the Bible says it. Ang pag-ibig ang nagbigay ng kapayapaan sa atin at dahil din sa pag-ibig ng Diyos sa'tin ay nailigtas niya tayo. Love is for all. "Kung may ganoon bakit may mga taong kahit kasal na ay naghihiwalay parin? It's because it's not true love. Or maybe di naman talaga nila minahal ang isa't isa o baka nawala na iyong pagmamahal. Everything change." Napatingin ako kay Kyle. His words is deep and painful na parang may pinagdadaanan siya. Even his eyes screams an indefinite expression that he can't show. This is what I says otherwise to what people said about him, coz they didn't really know him. His happiness. His pain. I hold his hand and smile. Bahagya pa siyang nagitla sa biglaan kong ginawa. Nagtataka niya akong tiningnan. "Kung ano man ang mabigat diyan sa puso mo, tandaan mo na nandito lang ako para sa'yo. You can share anything and everything to me, coz I'll listen" "Tsk, ano bang pinagsasabi mo? I'm fine." You're not Kyle. You're not. Hinila ko nalang siya at niyakap. I caress his back. Unti unti na ding yumakap pabalik sa'kin si Kyle. Bumitaw na agad ako. "You'll gonna be fine. Pero pag may problema ka, andito lang ako" Pagkauwi ko ng bahay ay biglang sumakit ang ulo ko. Nahihilo ako at nanginginig ang kamay ko. Napahawak agad ako sa puso ko nang bigla itong mag palpitate. Please, not now. Nahihirapan na rin akong huminga. Nasagi ko ang vase na nasa gilid at gumawa ito ng matinis na ingay. Naiiyak ako sa sakit. I squeeze my chest to stop the pain but it doesn't work. Sinubukan kong maglakad pero di ko kaya. "Jusko maryusep, Ayezah. Halika... Okay ka lang? Sandali lang.. Jusko anong gagawin ko... Sandali lang..." Natataranta si Nana kung ano ang gagawin. Nahihirapan na akong huminga at nalalabo na ang mata ko. Bigla nalang akong pumikit at nawalan ng malay. ______ "Good thing ay naagapan agad. Her heart is getting weaker. Ayaw niyo parin bang ibalik siya sa Ospital?" Doc Zulueta asked. Iyan man ang gustong gawin ng mag asawa pero alam nilang hindi papayag si Ayezah. Their daughter wanted to experience many things outside the four corner of hospital rooms. Nakita ni Arianne kung paano naging masaya ang anak na hindi niya pa nakita dati. Hindi naman gusto ni Arianne pati ng asawa nito na tanggalan siya ng karapatan maging masaya. Kahit mahirap at masakit sa kanila ay kakayanin para sa anak. "Thank you Doc. I will update you to her condition." Tumango nalang ang Doctor sa sinabi ni Andrew. Hinatid muna ni Andrew si Doc Zulueta palabas. Napaupo sa kama si Arianne at mahigpit na hinawakan ang kamay ng anak. Pasimpleng nitong pinahid ang takas na luha. "Kung pwede lang ako ang mahihirapan anak ay gagawin ko. Please be strong, baby" mahina nitong sabi. Unti unting binubuksan ni Ayezah ang mata nito. Agad namang pinahid ni Arianne ang luha nito. Ayaw niyang makita ng anak na umiiyak o nagiging mahina ito. She smiled at her daughter and simply caress her hair. "Mom are you okay?" Ayezah asked. "Yes, of course baby. Take a rest." Hinawakan ni Ayezah ang kamay ng ina. It also hurts her seeing her parents crying because of her. Sinusubukan niyang maging matatag at matapang para sa kanila. Her parents is her treasure. "I love you, Mom, kayo ni Daddy" "I love you too, baby" _____ Napatitig ako sa reflection ko sa salamin. This is really my insecurities, my scars. Galing sa mga surgery and treatments. Pero di naman iyon ang iniisip ko, ang mas iniisip ko ay kung paano pag biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Napabuntong hininga nalang ako. Sinuot ko na ang uniform ko bago bumaba. Todo asikaso na naman sila Mommy at Daddy sa'kin. Always nila akong pinapa-remind sa mga gamit ko kaya todo opo at tango ako. Absent ako ng two days at dumalaw si Doc Zulueta sa'kin kahapon para i-check ako. Naka received naman ako ng maraming text at calls galing sa mga kaibigan ko. Ang excuse ko nalang ay may lagnat ako. Dumalaw pa nga nong isang araw si Kyle pero sandali lang din. Habang nasa sasakyan ay tumunog ang phone ko. It's a text message from Kyle. Kyle Buddy :See you later, Angel. Sure ka na magaling ka na ha? Napangiti nalang ako sa pagiging caring ni Kyle. Napahawak tuloy ako sa puso ko nang bigla itong tumibok. And it's weird coz I'm smiling. Angel Buddy :Okay na'ko. See you, Kyle Nag off na'ko ng phone nang malapit na ako sa school. Nagpaalam na'ko kay Kuya Lito bago pumasok. Napangiti nalang ako nang makita si Kyle na naghihintay sa gate. Nginitian niya agad ako nang makita. Inakbayan niya agad ako. "Hays, bakit na miss kita. Two days ka kasing absent" Tinanggal ko ang kamay niya. "Suss! Ang OA mo naman." Sabay kamung pumasok sa room. Napayakap naman bigla si Hannah nang makita ako. Nag fist bump naman kami ni LJ. Nakaka miss din makasama sila. May inabot na notebook si Kyle. "Iyan iyong mga lessons na'tin to the past two days. Baka kasi kailangan mo" "Uy, AA alam mo ba na himalang nag sulat iyan ng notes para sa'yo" sambit ni LJ. Nag yiiiee naman si Hannah. Kinuha ko na ang notebook at nagpasalamat kay Kyle. Bumalik na siya sa chair niya at binatukan si LJ kaya tahimik akong natawa. Para kasing nahihiya si Kyle. Ang cute... Bigla akong sinundot ni Hannah. "Ikaw ah. Mukhang gusto ka ni Kyle. May gusto ka rin sa kanya no?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya."Huh? Ah, wala ah" mukhang di convince si Hannah sa sagot ko pero di na siya nag salita. Napatingin ako sa notebook na binigay ni Kyle. Gusto? Okay lang naman siguro magkagusto sa isang tao diba? Kyle is a good guy pero masyado pang maaga para sa ganyan. Maybe, not now. Sabay kami ng mga kaibigan ko nag lunch. Sobrang ingay nga nila sa pangumumusta sa'kin. Sobrang kulit naman ni Gelo sa'kin. "Aye alam mo ba na ang tahimik namin nong wala ka." Natawa nalang ako. "Oo nga pero buti nalang nandito si Trixie babes ko" Saad ni LJ sabay akbay kay Trixie. Inirapan nalang ni Trixie si LJ at mahinang binatukan. Napansin ko ang pagkatahimik ni Hannah at Austin. Mukhang ilang sila sa isa't isa. Di ko alam kung mag aalala o kikiligin ako, para kasing may something sa kanila. Nong uwian na ay naunang umuwi si Hannah. Si LJ naman ay pumunta agad sa kabilang room para puntahan si Trixie, sana all naman iyong dalawa. Habang kami ni Kyle ay nakatambay saglit sa open field. Buti ay hindi mainit kasi hapon naman na. Malinis ang green grass ng field. "Kailan ka nga pala natutong mag soccer?" I asked. "Ah, since bata pako. My Kuya thought me.." napatango ako. Tumayo ako para kunin ang soccer ball na nasa gilid ng isang bleachers. Nagtataka naman niya akong tiningnan. "Can you teach me?" Tumayo naman siya. "Oh sure" Tinuruan niya ako ng basic muna. So rang hirap pala dahil pwede kang ma slide sa bola. Pero natatawa nalang ako kasi di talaga ako marunong. Sipa lang ako ng sipa. Pero napaupo rin ako nang mapagod. Di kasi talaga ako marunong. Pero pag si Kyle super easy lang sa kanya. Medyo hiningal ako doon kaya kinalma ko muna ang puso at paghinga ko. Medyo pawisan naman si Kyle nang maupo sa tabi ko. "Sa Kuya mo nalang ako magpapaturo. Mukhang mas magaling siyang trainer" biro ko. "Yeah, he's a good trainer" napalingon ako sa kanya. "Saan na siya?" Ngumiti siya pero di abot sa mata. It's a different smile. "He's gone. You wanna know why I don't believe in the love?" I nod unconsciously. "I'll tell you tomorrow. But promise me one thing..." He said. "You'll stay with me..." I smile and form a pinky swear. Kinuha ko ang kamay niya at nag pinky swear kami. "I promise..." They said promises are meant to be broken but for me promises are there to keep us believing and to make us feel better. I make promise to you Kyle coz I believe in you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD