Chapter Thirty One Fiance "Sorry babe, ngayon lang. Katatapos lang namin ngayong araw." Sabi ni Trystan na ngayon ay kausap ko sa skype. Nag inat pa ito ng braso niya. Halata na sa mukha niya ang pagod. Pinagod ni Raffie. Nagpintig ang tenga ko dahil sa kahibangang naisip ko. Paano kung pinagod nga siya ni Raffie? Paano kung magkasama sila ngayon sa iisang kwarto? Paano ku- "Hey, say something. Hindi mo ba ako na miss?" Lumapit ang mukha niya sa monitor at itinukod ang siko sa magkabilang hita niya. Gosh. Kahit na mukhang pagod siya ay hindi naman 'yon nakaapekto sa hitsura niya. He still looks hot asf! "Ah, syempre na miss. Limang araw ka na diyan e." Limang araw narin kaming magkausap pero through internet lang and phone. Si kuya naman ay isang beses palang tumatawag dito sa

