Chapter Twelve

2221 Words
Chapter Twelve Tragedy Habang naghahanda ng pagkain ay patuloy parin ako sa panonood ng the last song. Pasulyap sulyap pa ako sa pintuan na nakakonekta sa garden namin. Mag aalas dose na pero hindi parin natatapos ang usapan nila kuya sa labas. "Jas, nakahain na ang pagkain at pinapatawag kana ng Mommy mo." Maya-maya pa'y nakangiting sabi ni Juliana sa akin. Siya ang anak ni manang Celia na ngayon ay naninilbihan narin sa'min. Nang mamatay kasi ang asawa ni Manang Celia ay hindi na nila kinaya ang mga gastusin dahil bukod kasi kay Juliana, may mga pinsan pa siyang sa kanila rin umaasa. Kahit na ayaw ni Manang Celia na magtrabaho si Juliana ay wala siyang magagawa dahil hindi rin naman sapat ang kinikita niya bilang mayordoma namin. Kapalit ng trabaho ay pinag-aaral ni Mommy at Daddy si Juliana ng kolehiyo sa Ravensbourne University na malapit sa bayan. Dalawang taon nalang rin naman ito sa kursong business administration nang magsimula itong magtrabaho sa'min at ga-graduate narin ngayon sa kolehiyo. Noong una ay tumanggi pa ang Daddy na magtrabaho siya rito dahil wala namang kaso sa mga magulang ko ang pagpapaaral kay Juliana. Pero hindi naman ito pumayag na tumanggap ng libre kahit na parte na sila ng pamilya namin. Pinalaki ni Manang at ng kan'yang asawa na may dignidad ang nagiisang anak na si Juliana. Kaya nga minsan naaalala ko si Beatrice kay Juliana e. Kahit na gipit sa buhay ay ni minsan hindi sila nagmakaawa o nanglimos ng tulong. Magkasing edad lang kami ni Juliana pero ang sabi ni Mommy ay mas matanda ako rito ng buwan. Sinundan ko na siya papunta ng dining area. Nakaupo na ang lahat ganoon narin si Trystan. Nakatingin lang siya habang hinihila ko ang upuan na katabi ni Kuya Jacob. "So kumusta naman ang negosyo ninyo Hijo?" Panimula ni Daddy. Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha dahil sa palagi niyang pag titig sakin eh. Naco-conscious na tuloy ako. "Okay naman ho Tito. Hindi naman po ako gaanong nahirapang mag adjust dahil part parin ng field ko ang trabaho ni Daddy maliban nalang sa ibang office works." Nakangiting sabi nito. "Mabuti naman kung ganoon. Namana mo ang talino ng Daddy at Mommy mo. Kumusta na nga pala si Theodore? Kay tagal na naming hindi nagkita h. Ang huli pa yata ay ang conference noon sa palawan." Sabi ni Daddy habang abala sa kanyang kinakain at sumusulyap sa amin. "Maayos naman ho. Sa susunod na linggo ay sasamahan niya si Mama sa Singapore para narin makapag bakasyon at maayos ang ilang business nila doon." Feeling ko sobrang talino ng nagsasalita. Yung salita niyang diretso at malinaw. "Mabuti naman at nakakapag pahinga na ang Daddy mo ngayong ikaw na ang nagha-handle ng business ninyo. Hetong si Jasmine ay wala talagang balak na sundan ang yapak namin ng Mommy niya." Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Daddy. Totoo naman kasi 'yon, kahit na hindi pa sila tuluyang pumapayag ay alam na nila ang gusto kong gawin at hindi iyon ang pagsalo ng negosyo. "Dad!" Saway ko sa kan'ya at sabay tingin ng masama. Nakita ko ang pag ngiti ni Trystan. "Ilang taon ka na nga ba Hijo?" Sabat naman ni Mommy. "Twenty three ho, Nauna lang ako kay Jacob ng dalawang buwan." Sagot nito. "Ganoon ba. Nako, ang swerte ng magiging asawa mo. Bata ka pa pero successful na." Pagbibirong sabi ni Mommy. Gusto kong mahiya sa mga sinabi niya. Asawa kaagad? Ang bata bata niya pa kaya! "Hay nako Ma, hindi mag-aasawa yang si Trystan. Ni girlfriend nga ayaw niyan e. Ganon talaga siguro kapag playboy!" Pangangantiyaw ni Kuya. Gusto kong matuwa sa sinabi niya na walang girlfriend si Trystan pero hindi ko gusto ang huling sinabi niya na playboy ito. Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin. Tama nga ako. Playboy siya at alam kong wala lang sakan'ya ang nangyari noong gabing 'yon! Isang buwan na ang nakalipas at heto na ang araw ng pag aaply ko bilang isang flight attendant sa isang airline. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Casual lang naman na interview na 'yon at alam kong kayang kaya kong sagutin lahat ng mga katanungan. Pumasok na ako sa isang matayog na building at agad na dumiretso sa front desk. Ibinigay ko ang isang I.D ko at saka tinungo ang elevator. Pinindot ko ang 8th floor. Doon kasi gaganapin ang screening at interview. Pagkalabas ko doon ay parang nalula ako sa dami ng taong nakapila. Lahat sila ay nag hihintay na magsimula ang screening. Pumirma ako ng ilang mga papel at tsaka pumila sa napakahabang line ng mga aplicante. After thirty minutes ay isinalang na ang batch namin sa isang room. Inayos ko ang white long sleeves ko at ang knee length skirt ko. Tinignan ko rin ang make up at buhok ko. Kailangan neat looking at walang kung anong flaws ang makita sa mukha ko. Meron pa nga ba akong flaws? Pumasok na kami sa isang room at pinahubad na ng isang flight attendant ang mga heels namin para sukatin ang height namin. Five foot and six inches, yan ang height ko. Sa slim kong figure ay tamang tama lang ang height ko sa timbang ko. We introduced ourselves to everyone and they screened our teeth, skin and everything. May maya pa ay tinawag na isa isa ang mga nakapasa doon. "Trisha Garcia, Princess Elizondo and Jasmine Sacha Delaney." Parang gusto kong mapatalon sa tuwa ng marinig ko ang pangalan ko. Kahit na ineexpect ko ang pangalan ko ay hindi parin ako makapaniwalang nakapasa ako sa unang step. Kay tagal ko yatang hinintay to no! Isang buwan din akong nag-prepare para dito. After the first screening ay ang aming first interview kasama ng mga nakapasa sa screening. Nang matapos 'yon ay tinawag na muli ang mga sasalang sa last pace ng interview. Ito ay 'yong one on one. Nang tinawag ang pangalan ko ay agad kong inayos ang sarili ko. Lumabas na muna kami sa room pero bago pa man ako makapasok para sa last interview ay biglang tumunog ang cellphone ko. "Please silent your phone please." Saway ng isang magandang babae na ngayon ay nakalapit na saakin. Nakangiti siya pero halata sa mukha niya ang pagka dismaya. Nginitian ko lang siya at saka tumango. Sinilip ko ang phone ko at nakita ang pangalan ni Mommy sa screen. Bigla akong kinabahan. Hindi naman kasi basta-basta tumatawag ang mga parents ko lalo na ngayon na alam nila na nag aapply ako ng trabaho. Tinatawag na lahat pero ako ay hawak hawak parin ang aking telepono. Sinagot ko ang tawag na 'yon. "Hello?" Sagot ko. Pinipigil kong gumawa ng malakas na ingay dahil sobrang tahimik ng hallway. Kahit na ang mga kasama ko ay naghihintay sa turn nila, nananatiling walang masyadong nag-uusap. Halos lahat na nga sila ay nakatingin sa'kin e. "Jasmine anak! Where are you?!" Sagot ng nasa kabilang linya. Ang boses ni Mommy ay parang natataranta dahilan para kumabog ng mabilis ang dibdib ko. "Ma, nasa interview po ako. Nakapasa po ako sa screening at first interview. Last na pong interview ito Mom!" Halos excited paring sabi ko sa kanya. "Anak your Dad is in the hospital." Halos gumuho ang mundo ko sa huling sinabi niya. Parang nawalan ako ng lakas. Ang gusto ko nalang gawin sa ngayon ay ang tumakbo pabalik ng sasakyan ko at pumunta sa hospital. Napaupo ako sa sahig. Habang ang mga kasama ko ay nakatingin lang sakin. "Are you okay?" Bulong ng katabi ko. "Mom what happened? Where are you? What hospital?" Pinipigilan ko ang pag-iyak. Narinig kong sinabi ni Mommy kung saang hospital dinala si Daddy. Ibinaba ko na ang tawag na 'yon at saka ibinalik ang cellphone ko sa bag ko. Pagkatapos ay agad na nagpaalam sa isa sa mga flight attendant na nandoon. "But if you leave, you can't resume this interview Ms. Delaney. You will lose your spot and this kind of opening will resume maybe six months from now. Take note of the maybe." Seryosong sabi nito sa'kin. Tumango nalang ako bago umalis sa harapan niya. Gusto kong tumakbo papalabas ng building na 'yon. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Daddy. Kinakabahan ako. Hindi pa ako handang mawalan ng ama. Pagkasakay ko ng kotse ay agad ko iyong pinaharurot papunta sa hospital. Halos maluha luha na ako. I don't want to assume anything. "Daddy... Please hold on. Malapit na po ako." Bulong ko habang patuloy paring binabaybay ang daan. Tumulo na ang mga luha ko. Pagkaraan ng twenty minutes ay nakarating na ako sa hospital. Maraming tao doon pero parang may kusang humawi sa kanila ng pumasok ako sa loob. Dumiretso ako sa reception. Isang babaeng nasa late forties ang naabutan ko. "Miss, Joaquin Delaney please.." Hindi na matapos ang mga luha ko. Nakatingin lang siya sakin. Parang gusto niya naring umiyak dahil sa pag-iyak ko. Nakita kong kumunot ang noo niya pagkatapos niyang sabihin ang room ni Daddy. Kinakabahan ako na nanghihina ang tuhod ko habang naglalakad papunta sa kwarto niya. Halos takbuhin ko na nga 'yon eh. Kahit nakakaramdam na ako ng sakit sa paa dahil sa suot kong four inches na heels ay binalewala ko 'yon. "405..." Ito na 'yon. Dahan dahan kong pinihit ang door knob. Humahagulgol pa ako. Paano nalang kung wala na si Daddy?! Hindi ko kaya Jusko! "Daddy!" Takbo ko ng makita ko siyang nakahiga sa isang puting bed at walang malay. "Daddy! Mahal na mahal kita. Wag mo akong iiwan. Please! Lumaban ka Daddy!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi parin siya nagigising. Halos pwede na ngang pigain ang isang parte ng kumot niya dahil sa mga luha ko eh. Bahagya ko pang niyugyog ang katawan niya pero ni isang sagot ay wala akong naramdaman. "Dad diba sabi mo walang iwanan? Bata pa ako. Hindi ka pa pwedeng mawala. Diyos ko! Wag niyong kukunin ang Daddy ko parang awa niyo na." Ang sikip ng dibdib ko. Gusto ko naring mawala sa mundo. Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan sa kwarto ni Daddy. "Jasmine?" Mahinang tawag sa pangalan ko ng kakapasok lang na si Kuya Jacob. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Kuya sabihin mo! Hindi pa mawawala ang Daddy! Hindi siya pwedeng mawala--" Magsasalita pa sana ako ng biglang akong nakarinig ng isang impit na tawa. Tumingala ako sa kanya at hindi nagtagal ay bigla na siyang tumawa ng malakas. Pupungas pungas akong umalis sa pagkakayakap sa kanya at agad na pinunasan ang mga luha ko. "Bakit ka ba tumatawa?! Nasa critical ang kalagayan ni Daddy! How dare you!" Pagalit na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero bigla akong nainis sa kapatid ko. "Sino bang may sabing nasa critical ang lagay ni Daddy?!" Tanong nito na malawak parin ang pagkaka-ngiti. Sumulyap akong muli sa kama kung saan siya nakahiga at nakapikit. Lumapit na siya kay daddy at inilapag ang isang basket ng prutas sa table na katabi ng hospital bed nito. "Bakit hindi ba?!" Pinigilan ko ang pagiyak ko. "Para kang timang. Nadulas lang si Dad sa banyo. Masakit ang balakang niya kaya pinainom muna siya ng pampatulog. Hinihintay lang ang x-ray." Gusto kong matuwa na hindi pala malala ang nangyari kay Daddy. Pero paano naman kasi, tama si Kuya mukha nga akong timang! "Maghilamos ka nga sa doon sa banyo. Mukha kang panda!" Turo nito sa isang sulok kung saan naroon ang banyo. Pinipigilan niya parin ang pagtawa habang kumakain ng apple na dala niya. Padabog akong umalis sa harapan niya at pumasok sa banyo. Napaka-oa ko! Kasi naman eh! Kasalanan to ni Mommy. Akala ko naman kung ano na ang nangyari kay Daddy. Pero kahit na ganon ay nakahinga narin ako ng maluwag. Pagkalabas ko ng restroom ay nakita ko si Mommy at isang doctor at nurse na kausap nito. "Wala namang fracture sa balakang ni Mr. Delaney. Kailangan niya lang magpahinga. For the meantime bibigyan ko nalang siya ng pain reliever para mawala ang kirot sa kanyang balakang." Tumango lang si Mommy at maya maya pa ay umalis na ang doctor sa harapan namin. "Oh Jasmine nandito ka na pala. Anong oras ka pa narito?" Baling ni Mommy sakin. "Hay nako Ma, yang bunso mo akala mo kung anong nangyari dahil sa sobrang pag-iyak." Tinignan ko ng masama si Kuya Jacob. "Bakit? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Mommy at bahagyang lumapit pa saakin. "Ma, nextime sabihin niyo kung anong eksaktong nangyari kay Daddy! Nataranta ako. Akala ko critical ang kalagayan niya. Nasa last part pa naman na ako ng interview!" Bumuntong hininga ako ng maalala ko ang interview. Umupo ako sa isang upuan doon. Last part na 'yon e. Ngayon maghihintay na naman tuloy ulit ako ng mahabang panahon para sa hiring ng Airline na 'yon. "Anong airline? Nag apply ka talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni kuya Jacob bahagya pa itong nag kunot-noo bago bumalik sa pagbabasa ng isang magazine na nakita niya sa drawer. "Oo. Sa Avianca Airways." Sagot ko rito. "Bakit hindi ka mag apply sa Aeroflot?" Bigla akong napatuwid sa pagkakaupo dahil sa sinabi niya. "Aeroflot?" Ulit ko. Malinaw ang pagkakasabi niya pero gusto kong makasigurado. "Hindi ba yung anak ni Theodore ang naghahandle no'n ngayon Jacob?" Baling ni Mommy sa kanya. "Yeah. I will ask Trystan kung kailan ang opening nila for cabin crew." Sabi ni kuya na hindi man lang tumitingin sa aming dalawa ni Mommy.  Naka de-kuatro pa ito habang nagbabasa at kumakagat sa hawak niyang mansanas. "Mabuti ng mapagbigyan mo naman itong kapatid mo sa gusto niya." Napatingin kaming lahat ng makitang gising na si Daddy. Thank God! "Dad!" Masayang bati ko at agad na yumakap sa kanya. Tumayo naman si kuya at sabay saby kaming yumakap kay Daddy. Kahit na kaming apat lang ay masaya kami. Masaya ako kasi kahit na sa una ay tutol sila sa mga plano kong maging isang flight attendant ay sa huli, pinayagan din nila ako. Kung tutuusin, hindi ko naman talaga kailangang magtrabaho pero yun kasi ang pangarap ko. Gusto kong libutin ang buong mundo pero gusto kong paghirapan ko ang lahat ng 'yon. Ayokong umasa sa yaman ng pamilya ko. Besides, kayang kaya ko 'yon. Alam ko sa sarili ko na kaya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD