“Good luck sa laban n’yo, Ryzen,” sabi ko. Kasalukuyan kaming nasa tapat ng bahay ni Jin dahil may kinailangan kaming kunin na mga gamit sa bahay nito. Mabuti na lang at tiwala naman si Jin na walang mawawala sa loob ng bahay niya dahil wala naman itong halos kalaman-laman sa loob. “Salamat sa impormasyong ibinigay n’yo, Grant. Kahit paano ay alam na namin ang gagawin sa oras na magsimula na ang guild battle. Kahit paano ay hindi kami mangangapa mamaya.” “Walang anuman. Ginagawa lang namin ang tama. Sino ba naman may nais na may buhay na namang mawawala sa labanang ito?” Bigla kong naalala ang mga buhay na napaslang ko. Hindi ko naiwasang makaramdam na naman ng pagsisisi dahil sa mga kasalanan ko noon. Kung maaga ko lang sana mas nakilala si Ryzen noon, hindi sana aabot ang lahat s

