“Nakakainis!” Napasalampak ng upo si Jane sa gitna ng kagubatan ng Atlantis dahil sa paghahanap ng daan pabalik ng Atlantis City. “Bakit kasi nagmaktol ka pa alam mo na ngang may fiancée na siya.” Napasubsob siya sa kaniyang mga tuhod habang yakap-yakap ito. “Paano na ako babalik ngayon nito? Tiyak na nag-aalala na si Grant sa akin ngayon.” Maya-maya pa ay nakarinig siya ng kaluskos na papalapit sa kaniya. Napatayo siya roon at dahan-dahang napaatras. “Sinong nandyan?” tanong niya. Nang lumitaw ito sa kaniyang harapan ay ganoon na lang panginginig ng kaniyang buong katawan. Rank 3 Legendary Monster Dragonoid Level 80 HP: 3,000,000 Napakahawak siya nang mahigpit sa tapat ng kaniyang dibdib nang mabilis na magkarera ang puso niya sa labis na kaba. “Ang Dragonoid.”

