Chapter 35

1570 Words
“Ryzen,”   “Jane,”   “Pwede mo ba akong samahan sa Endless Dungeon?”   “Oo naman. Ikaw pa ba?” Ngumiti si Ryzen sa kaniya. Ang ngiti nitong may halong panlilinlang. “Ikaw, Grant. Baka gusto mong sumama?”   Napakaplastic niya.                                                                                                                                                     Ngunit isang opportunity ‘yon para mas mabantayan ko ang kilos nilang dalawa.   “Sige sasama ‘ko.” Tinanggap ko kaagad ang alok niya. Hindi naman sa hindi ko kayang pasukin ang endless dungeon o gusto ko lang magpabuhat kay Ryzen. Ang akin lang ay gusto kong malaman kung hanggang saang floor ang kayang abutin ng lakas na mayroon siya ngayon.   “Kailangan ba talagang isama pa natin siya?” tanong ni Jane. Ganoon ba siya kagalit sa akin? Naaasiwa ba siya na makasama ako?   “Para mas mabilis tayong makarating sa dulo. Ayaw mo no’n?”   Bumuntong-hininga siya at pumayag din sa huli. “Bahala ka.” Tumalikod na ito at kasunod naman niya kaming naglakad.   Habang naglalakad sa Noctis West ay sakto naman ang paglabas ng isang notice sa aming screen.   Tzeentch has awakened.   Natigilan kami sa paglalakad.   “Jane, ayos lang ba kung kuhanin muna natin ang isang ‘to?” tanong ni Ryzen kay Jane.   “Ayos lang naman. Ewan ko lang sa kasama natin?”   Alam ko kaagad na ako ang tinutukoy niya. Bakit ba pakiramdam ko ay ang laki ng galit niya sa akin? Ano bang ginawa ko? Dahil pa rin ba ‘to sa sinabi ko? Hindi ba siya maka-move on at kanina niya pa ako sinusungitan?   “Ayos lang.”   Pinilit ko pa ring kumalma at sagutin sila nang kalmado. Ayoko namang ipahalatang apektado ako. Iyon nga lang nagmumukha talaga akong extra o saling pusa sa kanilang dalawa lalo na nang lumapit si Ryzen kay Jane upang tanggalin ang tuyong dahon na nasa buhok nito. Inayos pa nito ang buhok ni Jane at inipit sa likod ng tenga nito ang mga buhok na humaharang sa mukha nito.   “Smile, Jane. Mas maganda ka kapag lagi kang nakangiti.” Napangiti naman ito dahil sa sinabing iyon ni Ryzen. Kinikilig ba siya? Ang sarap nilang pagbuhuling dalawa. Nakakainis. “Ngayon naman, harapin na muna natin ang Tzeentch.   Iyon ang unang pagkakataon na makakaharap ko ang Tzeentch. Ang unang pagkakataon din na makikita ko ang itsura nito. Ni minsan kasi ay hindi ako nagtangkang subukang paslanging ito lalo pa at alam kong masyadong malakas ang Rank 1 Elite Monster na iyon. Kung nahirapan akong talunin ang Nirvana at Inferno, ano na lang ang lakas ng Tzeentch na 'di hamak na mas malakas at mas mataas ang rank kumpara sa dalawang iyon.   Nakaramdam kami ng unti-unting pagbigat ng awra sa paligid. Hindi ito isang ordinaryong awra. Napakalakas nito na kayang magpabagsak sa mga baguhang manlalaro. Sa awra pa lang nito ay tiyak nang malaki ang magiging pinsala sa mga baguhang player. Sa tuluyang paglapit nito sa amin ay doon ko lang nakita ang itsura nito. Para itong isang demonyong may matulis na sungay habang tila nakaupo sa hangin habang ang dalawang talampakan ay magkadikit. Ang mga daliri nito ang siyang nakatapat sa lupa at ang pagkakaupo nito ay parang naka-indian sit. May matatalas itong ngipin na siyang kitang kita sa dalawa nitong bibig na nasa bandang tiyan at nasa bandang leeg nito. May galamay din ito sa likod na animo’y mga ahas na may may matatalim din na ngipin. Walang mata ang Tzeench ngunit ayon sa sabi-sabi ay may matalas itong pang-amoy at malakas na pakiramdam.   “Ang Tzeentch. Ang Chaos God of Change,” sabi ni Ryzen. Napatingin ako sa kaniya. “Jane, kailangan pa-full support.”   Sa sinabing iyon ni Ryzen ay walang pag-aatubiling nag-cast kaagad si Jane ng skills na siyang magbibigay ng karagdagang suporta sa amin.   “Blessing!”   “Fortify!”   “Escutcheon!”   “Divine Protection!”   Sunud-sunod niyang pinakawalan ang mga skill na iyon na siyang nagmistulang shield sa aming dalawa ni Ryzen. Napapalibutan ang aming buong katawan ng liwanag habang tila may umiikot na kristal naman sa aming buong katawan. May makapal na awra din na tila isang bula ang siyang bumabalot sa amin.   “Salamat, Jane!” sabi ni Ryzen at saka siya naghanda sa isang malakas na pag-atake.   Dahan-dahan niyang hinugot ang espadang nakasabit sa kaniyang likuran at sa isang iglap lang ay bigla itong nawala sa aking harapan.   “Lightning Blitz!”   Isang malakas na kidlat ang siyang gumuhit sa kalangitan na kaagad ding bumagsak sa kinatatayuan ng Tzeentch. Nabawasan kaagad ang buhay nito ng 10%. Biglang lumundag si Ryzen palayo sa Tzeentch nang magsimulang ibuka ng kalaban ang kaniyang bibig sa leeg at sa isang iglap lang ay isang malakas na beam of light ang lumabas mula roon. Lahat ng nasagasaan ng pagtira nitong iyon ay siyang tumupok at naging abo. Halos kalunus-lunos ang itsura ng dinaanan ng beam of light na siyang lumikha ng malaking damage sa lugar.   Samantala, para naman akong tuod na nakatayo lang doon habang pinapanuod si Ryzen na mag-isang nakikipaglaban sa Tzeentch. Hindi sa natatakot ako o naduduwag. Gusto kong makita ang kayang ibigay ni Ryzen sa labang ito. Gusto kong pagmasdang mabuti ang kakayahang mayroon ang Tzeentch.   Muling sumugod si Ryzen sa Tzeenth at biglang nagliyab ang hawak nitong espada.   “h*******t!”   Mabilis niya itong iwinasiwas sa Tzeentch at kitang-kita ang laki ng bawas nito sa buhay ng kalaban. Halos 30% na lang ang natitira sa buhay ng Tzeentch samantalang puno pa ang buhay ni Ryzen.   So, ganito pala ang lakas na mayroon ka? Mga salitang minabuti kong sarilinin na lang. Ngunit ito lang ba ang kayang gawin ng Tzeentch?   Unti-unting lumaki ang normal na laki ng Tzeentch at ibinuka nito ang bibig nito na nasa bandang tiyan. Nagbuga ito ng makapal na putting usok na siyang bumalot sa buong paligid.   Napalingon ako ng lumundag si Ryzen palapit kay Jane at hinubad ang helmet at maskara nito.   “Isuot mo ‘to. May lason ang usok na ‘yan. Hindi mo ‘yan pwedeng malanghap,” sabi nito.   Unti-unti akong nakakaramdam ng inggit hindi lang dahil sa lakas na ipinapakita niya kung hindi pati na rin ang pag-aalagang ibinibigay niya kay Jane na ni minsan ay hindi ko man lang nagawa. Ganoon ba talaga ako kawalang kwenta?   “Paano ka?” tanong ni Jane rito.   “Ayos lang. Ano ka ba? Hindi ka pa rin ba tiwala sa lakas ko? Magtatampo na ako niyan.”   Nakakainis. Naiirita ako sa tagpong nakikita ko. Pero anong magagawa ko kung talaga namang mas karapat-dapat ang isang tulad nitong bantayan si Jane kaysa sa akin. Mas mapoprotektahan nito si Jane kaysa sa akin na walang ginawa kung hindi saktan siya ng paulit-ulit.   Nagulat ako nang tumingin sa akin si Jane. Walang kaemo-emosyon ang klase ng tingin nito. Tila nagtatanong kung tatanga na lang ba ako rito at manonood.   “Manuod kang mabuti, Grant. Ipapakita ko sa ‘yo kung ano ang pagkakaiba ng antas ng lakas nating dalawa.” Nagyayabang na naman siya. Pero kung tutuusin ay may ipagyayabang naman siya kaya nanahimik na lang ako habang pinagmamasdan ang bawat kilos niya.   Naglakad siya palapit sa Tzeentch nang walang suot na maskara o kahit anong pantakip sa kaniyang hininga. Ibig bang sabihin noon ay kaya niyang pigilan ang kaniyang paghinga?   “Jane, kailangan kita ngayon,” sabi nito bago nag-iwan ng kindat kay Jane. Hindi ko alam pero mas okay sana kung hindi na lang ako sumama.   “Devour!”   Devour? Ibig bang sabihin ay sasanib ang lakas niya kay Ryzen? Silang dalawa ay magiging isa?   Unti-unting nagliwanag ng kulay pula ang buong katawan ni Jane habang derekta itong lumilipat kay Ryzen. Habang in effect ang devour skill ay hindi maaaring gumalaw si Jane mula sa kaniyang kinatatayuan at hindi rin siya maaaring mag-cast ng kahit anong support skill. Mananatili lang siyang nakatayo roon at nagdarasal habang si Ryzen naman ang gagawa ng pag-atake. Ibig sabihin ay hindi maaaring maistorbo ang skill na ‘yon. Pero paano kung atakihin siya ng Tzeentch?   “h*******t!”   Nagulat ako nang umatake si Ryzen at nagawang Ilagan iyon ng Tzeentch. Naging mabilis ang pagkilos nito at mas tumalas ang pakiramdam nito.   “Kainis! Nasaan na siya?” untag ni Ryzen ngunit nagulat kaming dalawa nang biglang sumulpot ito sa likuran ni Jane habang nagsisimula ng pag-atake.   Hindi aabot si Ryzen. Hindi ako maaaring tumanga rito. Kailangan kong kumilos at protektahan si Jane. Mabilis akong tumakbo palapit kay Jane at bago pa man bumuga ng beam of light ang Tzeentch ay nagawa ko itong salagin ng isang defensive barrier – ang Water Barrier skill. Naroon lang ako nakatayo sa kaniyang likuran habang patuloy lang sa pagpapakawala ang Tzeentch ng malakas niyang atake. Habang patuloy ang pagbuga nito ng beam of light ay unti-unti na ring nababasag ang Water Barrier na nilikha ko para protektahan kaming dalawa ni Jane. Ngunit himbis na tumigil ang Tzeentch sa pag-atake ay mas lalo pang lumalaki ang liwanag na binubuga nito.   “J-Jane, I’m sorry.” Mga salitang dapat noon ko pa sinabi sa kaniya pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon dahil masyado siyang naging abala kay Ryzen.   Hindi ito sumagot pero sapat na sa aking nagawa kong humingi ng tawad sa kaniya. Tiyak ko namang narinig niya ako.   Unti-unting nawala ang epekto ng Water Barrier at unti-unti rin kaming nilamon ng liwanag dulot ng isang malakas na pagsabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD