"Aqua!" "Thunderstroke!" "Grand Cross!" Kaagad akong lumapit kay Dimitri dahil naiirita na ako sa pinaggagawa niya. "Ikaw na bata ka, inuubos mo talaga ang pasensya ko!" Nanggigigil na talaga ako sa kaniya. Naubos ang maghapon namin ni Jane na wala akong napala. Kahit na isang dragon scale ay hindi man lang ako nakakuha. Lagi niyang nila-last hit ang Dragonoid kung kaya lahat ng drops ay sa kaniya napupunta. "Kumalma ka nga, Grant. Isa lang siyang bata." Hinarangan naman ako ni Jane sa paglapit kay Dimitri. "Oo. 'Yang batang 'yan lang naman ang dahilan kung bakit wala akong weapon ngayon. Tinalo niya rin ako sa battle arena. Hawak lang naman niya ang top 1 legendary rankings ng mga players at higit sa lahat, kinukuha niya ang mga loots ko." Sabihin niya nang para ak

