Chapter 11 LQ

2051 Words
Gabby “Aga aga landi landi mo Mark.. male late na tayo sa work” saway ko dito. Matapos ang aming morning harutan ay sa wakas na kasakay na kami sa kotse ni Mark at nag da drive na ito patungo sa hospital. “Mark hindi kaya mag taka ang mga ka trabaho natin Bakit sabay tayo pumapasok?” Napa kunot ang noo nito. “Bakit sila mag tataka? At pag May nag tanong sasabihin ko nililigawan kita kaya sabay tayo pumapasok” seryosong Sagot nito. Hinawakan ni Mark ang aking kamay at hinalikan. “For once Gabby Huwag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao.. yung nararamdaman mo.. yung gusto mo yun ang importante” napatango na lang ako kasi tama naman siya.. nasanay akong laging sinusunod kung Anong mag papa saya kila mommy at Daddy at kung anong sasabihin ng ibang tao. “Unless nahihiya kang kasama mo ako?” May pag ka dramatic din ito eh sarap halikan. “ drama mo! Walang babaeng Hindi magiging proud pag ikaw ang kasama” Sagot ko sabay pisil sa pisngi niya. Nang makarating sa office Hindi pa din nito tinatanggal ang pag kaka saklop ng mga kamay namin. “Mark pinagtitinginan nila tayo” parang walang narinig at dirediretso lang ito sa pag lalakad. “Hindi tayo.. ikaw Lang” Sagot nito “ay salamat ha lalo lang akong nailang” sarkastiko kong Sambit. “I mean tinitignan ka nila kasi super Ganda mo” sabay halik sa kamay ko. “Bolero!” Nagulat kaming dalawa ng sumulpot si sir Calvin. “ so it’s true.. kayo na at Live in na kayo?” May Inis sa boses nito. “Yes and no” Sagot naman ni Mark sabay hila saakin papasok sa office niya. Nakita kong sumunod si sir Calvin saamin. “What’s yes and what’s no?” Sinara ko ang pintuan ng office ni Mark dahil maraming nakakarinig ng pag uusap nila nakakahiya. “Ah sir Calvin Yes nakatira ako sa bahay ni Mark” ako na ang sumagot. “Pero No hindi pa kayo?” Liningon ito ni Mark. “Why you’re so interested bro?” Pati si Mark ngayon May halo ng Inis na ang boses. “You know from the start I like Gabby and you said..” Hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng ng May pumasok sa office ni Mark.. “what’s going on here?” Si Tita Stella. “Gabby iha.. ginugulo ka ba ng dalawang ito? Let me know ililipat kita ng hospital para makapag trabaho ka ng maayos.” Seryoso nitong sambit. “No way!” Singit ni Mark. “Ano kamo Mark Nathan!!?” Nilapitan ni Mark ang mommy niya. “Mom OA mo kasi eh nag uusap lang kaming tatlo about work.. diba Vin?” Tumango naman si sir Calvin. “What brought you here Tita Miss ko ba kami?” Singit ni sir Calvin. “Well I want to check on Gabby dahil alam Kong loko loko kayong dalawa and one more thing Mark ang Thanks giving party ng Mondragon medical Hospital ay next week end” paalala nito. “ I know mom” may inis na Sagot ni Mark. “Did you call Cynthia?.. siya and date mo sa party ayokong mapahiya sa kumadre ko.” Sinulyapan ko si Mark. “Mom ayoko maka date yun si Cynthia ang arte arte non” sumingit naman si Calvin sa usapan. “Tita can I invite Gabby as my date sa party?” Nakita kong tinignan ni Mark ng masama si Calvin. “You should ask Gabby.. oh sige na aalis na ako just want to make sure iha na ok ka dito” sabay beso nito saakin. Nang makaalis si Tita Stella Kaagad akong umupo sa swivel chair ko para magsimulang mag work. “So Gabby pwede ba ako na lang date mo” tanong ni Sir Calvin “ah sir Calvin Hindi naman ho ako pupunta bibisitahin ko po kasi yung kaibigan kong May sakit next week end” Palusot ko. “Oh ok but if you change your mind let me know ok” tumango Lang ako matapos ay lumabas na si sir Calvin. Si Mark nanatili lang naka tayo sa harapan ko pero Hindi ko ito pinapansin. “Are you mad?” Tanong nito. “Hello ano ba sa tingin niya.. sabi niya exclusively dating kami pero heto siya May ibang ka date” kausap ko sarili ko. Hindi ako kumikibo kaya Lumapit ito saakin “hey.. kausapin mo ako.. it’s just a friendly date para lang yun sa party alam mong ikaw ang mahal ko” Hindi ko pa rin ito kinikibo dahil May halong kirot at kilig ang puso ko ngayon. “So it’s ok na maki pag friendly date ako kay sir Calvin?” Tanong ko pero Hindi ko ito tinitignan. “ ofcourse not!!” Liningon ko ito bakas sa muka nito ang Inis. “ So ikaw pwede ako Hindi?” Sarkastiko kong tanong. “It’s different Gabby Calvin likes you.. I don’t like Cynthia” napangiti ako ng pilit. “How do you know na Hindi ka gusto nung Cynthia? Ikaw Hindi mo siya gusto just like me with Calvin but it doesn’t mean Cynthia does not like you so walang pinag Kaiba yun” nagbuntung hininga ito at pumasok na sa office niya. Buong araw Hindi kami nag kikibuan Naiinis ako kasi pati siya Hindi ako Kinikibo parang ako yung May kasalanan. Nang mag five pm Hindi ko na ito inantay matapos sa pasyente niya umalis na ako pero hindi ako umuwi sa bahay dumiretso ako kila Choy para bisitahin sila ni Arabella. “ kamusta na ang buntis?” Bati ko kay Arabella ng salubungin ako nito. “Heto Malapit ng manganak. Kamusta ka sa tinutuluyan mo.. nagwowork ka na daw sabi ni Tita Helen..” Ngumiti ako dito tapos bigla kong naalala si Mark. “Ok naman mabait naman ang amo ko.. pero pumunta ako dito para kamustahin kayo ni Choy” lumungkot ang muka ni Arabella. “Hindi bumubuti ang kalagayan ni Choy.. kahit ang Doctor hindi alam Kung gagaling pA ba siya” niyakap ko si Arabella. Mag kaiba man ang aming pinag dadaanan pero ramdam ko at naiintindihan ang sakit sa puso niya. Matapos namin pakainin si Choy at kwentuhan nag paalam na akong umuwi. “Ah Tita Helen pupunta ho ba kayo sa thanks giving party ng Mondragon medical hospital?” Alam ko kasi best friend niya si Tita Stella kaya maaaring inimbitahan siya sa party. “Oh yeah ofcourse magagalit yun pag Hindi ako pumunta ikaw ba iha” tanong ni Tita Helen “Hindi ko po alam eh” hinawakan nito ang kamay ko. “Pumunta ka sabay ka saakin this week end sunduin kita shopping tayo ng isusuot sa party” kay lapad ng ngiti ko sa tinuran nito. “Sige po Tita salamat po ulit. Pinahatid din ako ni Tita Helen sa driver nila. Minsan naiisip ko buti pa ang ibang tao May mala sakit saakin at ramdam ko na mahal ako na parang anak nila kahit si Tita Stella na Hindi ko naman ka close took time to check if I’m ok pero sarili kong magulang walang pakialam saakin. Naramdaman ko na nag vibrate ang cellphone ko. Naka silent kasi ito dahil ayokong maistorbo ang pag bisita ko kila Arabella. “Shocks.. 20 missed calls from Mark at ang dami ding text messages” dahil Malapit na din ako sa bahay Hindi ko na sinagot ang tawag nito. “Thank you po Manong ingat po” paalam ko sa driver nila Tita Helen. Hindi pA man ako nakaka pasok narinig ko na boses ni Mark. “Where did you go?kanina pa kita tinatawagan Hindi ka sumsagot!” Galit nitong tanong. Lumakad na ako papasok sa bahay. “Sorry naka silent ang phone ko.” Walang gana kong sagot. Hinawakan nito ang kamay ko. “May problema ba Gabby?” Mariin nitong tanong “nothing ikaw May problema ka ba?” Sarkastiko kong tanong sabay hila ko sa kamay ko. “Galit ka pa din ba dahil May ka date akong iba sa party?” Nakakainis mga tanong niya yung sobrang obvious naman ng Sagot. Hindi ako kumibo at dumiretso na ako sa kwarto ko. Expect ko susuyuin niya ako pero Hindi pala. Lumipas pa ang ilang araw naging malamig kami sa isat isa. He still cook breakfast for us kakausapin lang namin ang isat isa Kung May itatanong and more on work related. Sabay kaming pumapasok at minsan sabay din na uwi minsan Hindi. Pag mag kasama kami madalas ramdam ko ang paninitig niya pero Hindi kumikibo ang weird lang. Week end came Tita Helen will pick me up para mag shopping ng damit na isusuot para sa thanksgiving party. “You’re leaving?” Tanong ni Mark ng makita akong lumabas sa kwarto ko at nakabihis at May dalang malaking bag. “Yeah” Maiksi kong Sagot. “With who?” Bakit ba naging interesado siya ulit bigla saakin. Pagkatapos ng ilang araw na Hindi niya ako kinikibo ngayon tatanong tanong siya pake niya. Biglang May nag doorbell kaya Binuksan ni Mark ang pintuan. “Oh hi Mark.. gwapo mo talaga iho kamusta na?” Bati ni tIta Helen. “Ok naman po Tita.. kayo po Ganda niyo pa din ha Hindi kayo Tumatanda” si Tita Helen naman bentang benta sakanya ang pag ka Bolero nitong si Mark. “Naku ikaw talaga.. we’ll I’m just here to pick up Gabby sasama ko siyang mamili ng damit na isusuot namin sa party” nakita ko Kung papano napa kunot ang noo nito. “Pupunta ka sa party with who?” Takang tanong nito. “Opo sir Mark bawal po ba?” Walang gana kong sagot. “Ah Mark she’s coming with me sa party.. kaya nga ako pumunta dito para ipaalam saiyo doon muna siya saakin for a week pero papasok pa din siya ako na mag hahatid sakanya sa work at mag susundo kailangan ko lang na may makasama yung asawa ng anak ko kasi Malapit na manganak and you know how busy I am.. I hope it’s ok with you?” Litanya ni Tita Helen. Tinignan ako ni Mark na tila galit saakin. “Ok lang yan Tita Hindi naman ako kailangan ni sir Mark” wala itong sinagot tahimik lang Hindi man Lang ako pinigilan. “That’s good let’s go iha.. bye Mark see you on Saturday” nang makalis kami ay tila May kirot saaking puso. Ayoko sanang umalis ng Hindi kami Ok pero ayoko naman ako ang mag effort siya ang lalaki. Kinagabihan matapos namin mag shopping ni Tita Helen at nakahiga na ako sa kama. “Bwisit Bakit ko ba siya iniisip Malamang May kasamang babae yun ngayon sa bahay” Naiinis ako sa sarili ko na na mimiss ko siya. hey I miss you first night palang Wala ka Sa bahay miss na kita> reply ko dito. Hindi na ito nag reply.. kung susunduin niya ako sasama naman ako sakanya pero again no effort puro salita kulang sa gawa. (Thanks giving day) “You look gorgeous iha.. sigurado ako maraming lalaking mapapalingon saiyo” puri ni Tita Helen. I’m wearing a sparkling floral lace glamorous gown with dramatically dipped front and back line kaya May pa cleavage tayo tonight. Naka bun din ang buhok ko kaya full access ang mga mata ni Mark saaking pa cleavage (joke). And siyempre very very light lang din nag make up ko para natural beauty lang. Nang makarating kami sa venue nailang ako ng konti kasi parang lahat ng tao nakatingin saamin. Lumapit Kaagad saamin si Tita Stella “oh my gosh Gabby you look so gorgeous everyone is staring at you including my Macky” ginala ko ang mga mata ko para hanapin si Mark at ng makita ko ito nag tama ang aming mga mata naka titig nga siya saakin. Pero Nabaling ang tingin ko sa kamay ng babaeng nakapalupot sakanya. Inirapan ko ito at muling binaling ang atensiyon ko kay Tita Stella at Tita Helen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD