Gabby
Inaantay ko ang lalabas sa bibig ni Mark na tila kay bagal ng bawat segundo. “Please Mark say something.. sabihin mong Hindi peke ang kasal at Hindi mo ako pinakasalan dahil lang sa gusto mo ako makuha.. please tang ina sumagot ka” para kong tangang nananalangin sa loob loob ko.
“Siraulo!! I have my reason why I fake our wedding” nakangiti nitong sagot. “Yun nga gusto mong maka score” segunda ni Chris.
“Eh ano ngayon?! Inggit ka?” Tatawa tawang Sagot ni Mark. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Nag lakad ako pabalik sa kwarto namin. Ang nag uumapaw na kasiyahan sa aking puso ay biglang napalitan ng sakit at kirot.
“How can he do this to me? Bakit niya kailangan pekeen ang kasal para lang makuha ako” walang tigil ang pag tụlo ng luha ko sa sakit na nararamdaman ko. Hinawakan ko ang aking tiyan nakaramdam ako ng awa sa baby ko. “I’m sorry baby kung naiyak si mommy ha.. at I’m sorry din dahil akala ko mahal ako ng Daddy mo.. ang galing niyang umarte na mahal niya ako Hindi pala!! katawan ko lang pala habol niya” pinunasan ko ang luha ko. Kumuha lang ako ng konting gamit at umalis ng bahay. Hindi ko kayang harapin si Mark parang nahihiya ako sa sarili ko na nag pakatanga ako sa lalaking yun nag pabuntis pa.
“Tanga tanga mo Gabby!! ang bilis bilis mong nagtiwala sakanya.” Hindi na ako pumunta kila Tita Helen dahil una alam Kong doon niya ako unang hahanapin pangalawa ayokong malaman nila Tita Helen ang panloloko ni Mark nakakahiya. I stayed sa isang hotel yung mumurahun lang para walang connection si Mark. Nakahiga ako sa kama at nag iisip ng kung Anong gagawin ko. Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko kaya Kaagad akong nag order ng food kahit wala akong ganang kumain para sa baby ko. I can’t be selfish right now kailangan ko din isipin ang buhay ng anak ko Hindi katulad ng tatay niya selfish. Habang nakain ako narinig ko ang phone kong nag riring si Mark natawag. Hindi ko sinagot Tuwing naaalala ko ang usapan nila ni Christian naiiyak ako. Para akong baliw na kumakain at naiyak.
Napa ismid ako sa nabasa ko ang galing talagang mag panggap. Miss niya siguro ang kitty Perry ko. Matapos Kong kumain nagshower ako at nahiga sa kama. Iniisip ko Kung saan kami ng baby ko pupunta para makalayo sa sinungaling niyang ama. Ayokong may makaalam ng Kung saan man ako pupunta. Hindi din naman tama na mandamay pa ako ng ibang tao lalo na sila Tita Helen meron din silang sari sariling problema. As usual Mark keep calling and texting me na para bang talagang nag aalala siya. Habang lumilipad ang utak ko kakaisip nakita kong si Tita Helen naman ang natawag. I answered it.
“Helo po Tita napatawag po kayo?” Bungad ko.
“Yung asawa mo iha galing dito sa bahay hinahanap ka ang sabi ko kanina kapa hinatid ni Manong sa bahay niyo” napahawak ako sa noo ko.
“Ah Opo Tita pero umalis po ako May nakalimutan lang po akong bilin pauwi na din po ako.. don’t worry Tita ako na Tatawag kay Mark” pag sisinungaling ko. Sorry po Lord
“Oh sige iha tawagan mo asawa mo dahil Mukang mababaliw na sa pag aalala saiyo” pinipigilan kong maiyak dahil sana nga Totoo lahat ng pag aalala ni Mark.
“Ah Tita gusto ko lang po mag thank you sa lahat lahat po ng naitulong niyo saakin.. tatanawin ko pong malaking utang na loob Lahat lahat ng naitulong niyo po.. sana po balang araw masuklian ko ang kabutihan niyo.” Hindi ko na mapigilan maiyak. “Ano kaba iha ang drama mo pati tuloy ako naiiyak saiyo eh.. basta kung kailangan mo ng tulong mag sabi kalang huwag kang mahihiya” Matapos Kông makausap si Tita Helen I checked my phone to make sure Hindi nka. On ang tracking device baka masundan ako ng peke kong asawa. I decided to book a flight home in the Philippines at May ideya na ako saan ako tutuloy. The earliest flight will be tomorrow morning kaya kailangan kong galingan ang pagtatago. I keep looking at our pictures wedding pictures honey moon pictures at iba ibang pictures pa. “Tang ina Bakit muka niya kong mahal na mahal sa mga pictures na ito ang galing umarte.” Naiiyak kong kausap sarili ko. Mas lalo lang akong Naiinis sa sarili ko dahil kahit na niloko ako ni Mark parang kahit konti Hindi nabawasan ang pagmamahal ko sakanya. Kaya ayaw ko din siya makita at makausap dahil alam ko magiging marupok lang ako at maniniwala sa mga dahilan niya kaya sapat na saakin ngayon ang mga narinig kong lumabas sa bibig niya para lumayo. Nakita kong tumatawag itong muli kaya pinatay ko ang phone ko. “Pangako baby ko Hindi kita pababayaan.. lahat gagawin ko maprotektahan lang kita.. pupunuin kita ng pag mamahal kahit tayong dalawa.” Nakatulog akong umiiyak at masakit ang puso.
Mark PoV
Did you tell her already Mark?”tanong ni Christian. I was busy writing a love letter for my wifey sa laptop ko.
“No need” Maiksi kong sagot
“ sabagay ikakasal nanaman kayo.. yung totoo na Hindi na fake wedding” Napaka iling ako dahil para saakin Hindi fake ang wedding na yun marahil Hindi na register ang aming kasal but my vows came from my heart “ I know why you marry her para maka score kana! Ganyan ka kalibog Handa kang mag pakasal ng fake maka score lang” patuloy ni Christian “Siraulo!! I have my reason why I fake our wedding” nakangiti kong sagot. “Yun nga! gusto mong maka score” segunda ni Chris.
“Eh ano ngayon?! Inggit ka?” Biro ko dito. I closed my lap top at hinarap si Chris. “You know what Chris Hindi fake ang kasal na yun it’s very real dahil I love her so much.. oo nga Hindi na register ang kasal that’s because ayaw ko siya matali sa isang kasal Kung Hindi pA siYa sigurado. She’s too young.. I know marami pA siyang pangarap at ayokong maging selfish.. that’s the reason why I faked our wedding para Kung Ma realize niyang I’m not the one for her and she’s not happy with me I will let her go.. I told my self I will give her one year to think about it at kung kami pa din Hindi ko na siya pakakawalan but bro tang ina mag iisang buwan palang ayoko na siyang pakawalan lalo lang akong na iinlove sakanya and I can see that she loves me too kaya I decided na asikasuhin agad ang kasal” paliwanag ko kay Chris
“Jeez bro you sounds very in love..” I smiled at him.
“I am madly in love with Gabby.. ngayon ko Lang naramdaman ito” speaking of Gabby it’s almost lunch Bakit kaya Wala pa ang asawa ko.
“Umalis ka na nga Chris I need to look for my wife.. and give me time to think and review your proposal” nang makaalis si Chris at matapos akong gumawa ng love letter for my wifey tinawagan ko ito pero Hindi na Sagot. I texted her too pero na seen zone lang ako. Nag intay pA ako ng ilang minuto at nang Hindi pA din ito sumagot nakaramdam na ako ng kaba. She always respond to my call and text message right away it’s very not her. I called Tita Helen and found out na hinatid na daw ng driver nila si gabby kanina pa at naka uwi na nga ang driver sa bahay nila. I tried calling her again and text her but still no response.
“F*ck!!” Napamura na ako dahil ngayon cannot be reach na ang phone nito. “Where are you wifey.. Bakit Hindi ka sumasagot” naiiyak na ako sa takot baka May nangyari na s asawa ko. “Calm down Mark baka May pinuntahan lang at na lowbat ang phone” pag Kalma ko sa sarili ko. Bigla kong naalala ang CCTV camera. Kaagad kong ni review ang CCTV camera sa harap ng bahay at loob. Nakita kong hinatid ito Manong ất pumasok ng bahay at mayamaya lang nakita ko din itong nag mamadaling lumabas ng bahay na may dalang malaking bag. I checked the CCTV inside the house. Nang makapasok ito sa bahay Kaagad itong umakyat at dumiretso sa kwarto namin matapos ay pumunta ito sa office ko pero hanggang Pintuan lang na tila nakasilip lang.
“F*ck!! No!!.. baka narinig niya ang usapan namin ni Chris about our fake marriage kaya niya ako iniwan” Kaagad kong kinuha ang susi ng kotse ko. I keep calling her while driving. Naiiyak na nga ako dahil iniisip ko pa lang Hindi ko na makikita asawa ko feeling ko mamatay ako. “ please gabby let me explain first don’t leave me wifey please” maiyak iyak kong kausap ang sarili ko.
“Bro can you please check all your hotels branches and see if my wife checked in” Utos ko Kay Zach. Nag drive din ako around our town hoping makita ko ito sa daan pero bigo ako . Pumunta akong muli kila Tita Helen and she let me in dahil Hindi ako naniniwalang wala siya doon. Wala naman itong ibang matutuluyan. “Gabby!! Wifey please kausapin mo ako lumabas kana please!! I’m begging you let me explain!!” Para na akong baliw na umiiyak habang iniikot ang bahay ni Tita Helen. “Mark ano ba ng yari.. I’m not lying Wala dito ang asawa mo.. I called her earlier sabi niya May binili lang daw siya at uuwi din siya” aro ni Tita Helen saakin. “Ano pong Oras niyo siyang tinawagan?” Medyo na buhayan ako ng loob. “ right after you called me kung nakauwi na si Gabby” Sagot ni Tita Helen. “That’s more than two hours Tita, Wala po siyang binili she left me” Napasapo ako sa muka ko at nag lakad pala ng Bahay nila.
Napahampas ako sa manibela ko.
“ Gabby!! Wifey!! Please come home!!” SiGaw ko habang naiyak ako at hinahampas ang manibela ko. Umuwi ako sa bahay ng halo halo ang emosyon. Kaba takot lungkot at kirot sa aking puso. “Gago ka kasi Mark!! Kasalanan mo yan!!!” Sisi ko sa sarili ko. Kumuha ako ng beer sa ref. Iniisip ko Kung saan pa ba ito pwedeng pumunta Hindi ko din ma track ang phone niya. I tired to call her again still no response I sent her a lot of text messages.
To wifey: Gabby.. My loves my angel my wifey please come home let me explain Kung ano man ang narinig mo mali ang iniisip mo. Please remember my wedding vows. You promise me Gabby.. sabi mo ako lang ang paniniwalaan mo.. please Im begging you give me a chance to explain I love you very much I truly love you Hindi kita niloloko>
Antay ako ng antay sa reply niya pero wala. Hanggang sa makatulog ako sa kalasingan at kakaiyak. Nagising lang ako ng marinig ko ang boses ng mommy.
“Mark anak anong nangyari saiyo” pag aalala nito. Nakatulog pala ako sa couch ng lasing.
“What time is it mom? Umuwi na po ba ang asawa ko?” Tanong ko.
“No Gabby is not here son” malungkot na Sagot ng mommy.
“Ano bang nangyari Bakit nag layas ang asawa mo?” Tanong ng mommy habang sinusundan ako paakyat ng kwarto namin.
“She found out our wedding is fake” Maiksi kong Sagot.
“What?!! Your joking right Macky!!” Hindi makapaniwalang tanong ng mommy. “I hope Im joking but I’m not Siraulo ako I’m stupid and now I lost the only woman who loves me wholeheartedly” niyakap ko ang mommy habang naiyak ako.