“ELORA!” sigaw ni Don Francisco sa pangalan ng dating nobya saka siya napabalikwas ng bangon. Napabangon din bigla si Donya Esmeralda ng marinig ang pagsigaw ng asawa. "Are you alright, Hon?" tanong nito sa kanya. Napalingon si Don Francisco sa asawa saka kinabig ito ng yakap. Hinaplos-haplos naman ni Donya Esmeralda ang kanyang likod. “Ayos ka lang ba?” dinig niya ang pag-aalala sa tinig ng asawa. “Let’s be like this for a while,” saad niya sa asawa. He inhaled her scent na parang doon siya kumukuha ng lakas upang kumalma. Ramdam niya ang mabilis na kabog ng puso niya, ganoon din ang paghahabol niya ng hininga. Habang si Donya Esmeralda naman ay banayad pa ring hinahaplos ang likod niya. Ilang saglit pa ay kumalma na ang t***k ng puso niya, bumalik na rin sa normal ang kanyang paghi

