LEIGH "Anong ginagawa mo dyan?!" Malakas ang boses niyang tanong. Hindi ako sumagot. "Pumasok ka na sa loob, Love.Tatapusin ko lang 'to, susunod na rin ako agad," pasegunda niyang tila utos sa akin. Hindi ko siya sinunod at nakabusangot ako, nanatili ako't nakatayo lamang dun. May hawak akong tuwalya para pang tuyo niya. Panaka nakang humahapas ang malakas na ihip ng hangin na may kasamang malakas na buhos ng ulan. Abala na siya sa pagtatali ng mga alaga naming mga hayop sa may silungang dampa. Pasulyap sulyap siya sa kinatatayuan ko. Papadilim na ngayon lang siya nakauwi, naabutan pa tuloy siya ng malakas na ulan. Binaliwala niya yung bilin ko, 'yan nababad tuloy siya sa ulan. Narinig kong kinagalitan kanina ni Tatay, si Larry. Parang patago pa nga. "Di ba sabi ko, huwa

