LEIGH Nasa kusina ako nun at pinapakain ang aking mga anak. Linggo at wala akong pasok. Panaka-naka ko silang nilalaro sa hapagkainan. Ang gaganang kumain kaya pawang mamalusog. Nakakapang gigil pisilin ang mga pisngi. Kita ko ang tuwa nila paggising kanina at makita ko. Uminit ang puso ko nang mag unahan silang lumapit sa akin para yumakap. At nang kargahin ko sila parang ayaw na nilang bumitaw. Mula sa kinaroonan ko naman ay dinig ko ng bahagya ang ingay ng tv. "Siguradong panalo na naman diyan si Sanchez, ang lakas pa rin sa masa." Dinig kong ani Bentong. Napapadalas na nga siya rito. Nakakuha rin siya ng lote na titirikan ng kaniyang bahay. Haba ang mga materyales. Uumpisahan na raw ang contruction nun sa susunod na Linggo. "Marami rin kasing nagawa yan sa bansa,

