LEIGH "Tay, si Leigh po nasaan, wala po siya sa silid namin?!" malakas at tila takot na takot na boses ni Isaiah. Napairap ako sa hangin, pinikit ko na ang aking mga mata. Alas dies y medya na ng gabi. "Saan nag punta ang ate niyo?" ang tila agad na naalarma rin na tanong ni Tatay. "Nariyan lang siya sa kuwarto nyo kanina e," ang dinig kong ani Larry. "Nasaan ba si Lalaine? Lalaine!" "Nasa banyo po yata yun, Tay" sagot ni Landon. Maya maya pa'y narinig ko na ang boses ni Lalaine. "Bakit po, Tay?" "Nasaan ang ate mo? Alam mo ba kung saan siya nagpunta?" Napangisi ako saka napabusangot din. Nasa kuwarto ako ni Lalaine at makikitulog. Pumayag naman siya, hindi na siya nag tanong sa akin kung bakit kahit na may pagtataka akong nabasa sa mukha niya. "Kuya, Tay relax lang. Nasa k

