"Congrats! Another successful concert!" sabay yakap sa akin ni Luke, habang si Rita ay maluha-luha pa sa gilid namin. "Ang galing niyo po talaga, Ma'am!" Marami pang batian ang nangyari sa likod ng stage. Hindi nagpahuli sina Rose at Brenda na kanina ay may pabanner pa. It wasn't the first concert I had, but it felt like the happiest. Hindi dahil mas dumami ang mga nanonood, kundi dahil sa naghihintay sa'kin sa ibaba ng stage. Pagpakapasok ko sa dressing room ay hindi nagsegundo nang mahanap ko siya. He was leaning on the small table, staring at the gifts I received from the fans. Binagalan ko ang paglakad at tinitigan siyang maiigi. He's now staring darkly at the boxes of chocolates. His brows were furrowed, seemed so annoyed at the innocent chocolates. "Gusto mo?" I taunted. Nag-an

