"O, kumusta ang date niyo ni Baldo?" tanong ko kay Rose habang kumakain kami sa canteen. Ngayon pa lang ako nakapagtanong dahil hindi kami makapag-usap sa classroom kanina.
"Okay lang. Nanood kami ng sine at kumain sa restaurant," nakangisi niyang sagot.
Halos mapangiwi ako. Para doon lang, masayang-masaya na siya? That's just a typical date. Kung sabagay, hindi ko pa alam kung anong pakiramdam ng pakikipagdate dahil hindi pa naman ako nagkakaboyfriend. And I don't dream to have one while I'm still in college.
Sa mga may kaya sa buhay katulad ni Rose, s'yempre may panahon siyang isipin iyan. Samantalang ang kailangan kong pagtuonan ng pansin ay ang eskwela. I need to graduate with latin honors para matanggap sa malalaking kompanya. That's my goal.
"Ikaw kasi, dapat ka ng magboyfriend para may date ka rin!"
Umiling ako.
"Wala pa iyan sa plano ko, Rose."
"Sus! Tingin ko kayang-kaya mo namang pagsabayin ang pag-aaral at ang pakikipagrelasyon!" hagikhik niya.
Some seniors glanced at our table. Grupo iyon ng mga lalaki sa Education Department. Greg greeted me. Kumaway naman ang ibang kasamahan niya. Rose smiled sweetly. Matabang lang akong ngumiti.
"Ang guwapo ni Greg! Di ba, pinormahan ka no'n?"
Hindi ako sumagot. It's a yes. He tried to court me last month. Pero bago pa niya masimulan ang panliligaw ay pinatigil ko na siya. Rejecting boys isn't that hard. Para ko na iyong routine kaya hindi na ako nahihirapan. Isa pa, laro lang naman ang gusto ng mga lalaki kaya hindi ako nagi-guilty tuwing may binabasted.
"Sayang naman, Kaia. Chance mo na 'yon, e! Hindi playboy si Greg. Dean's lister din! Ano pa ba ang hanap mo?"
"Wala akong hinahanap. Talagang ayaw ko lang muna."
"Weh? Baka kaya wala kang natitipuhan rito sa atin dahil iyong taga Maynila ang gusto mo?"
I only shook my head.
"Naku, todo deny ka pa! Sabi ni Brenda, crush mo daw iyong alaga ng Mama mo noon! Si Livius ba?" Rose laughed.
Kumunot ang noo ko. Ang babaeng 'yon talaga. Kung anu-anong sinasabi.
"Hindi, Rose."
"E, bakit ka namumula?"
Bahagyang umawang ang bibig ko. She chuckled and pointed my cheeks.
"Oh, dalaga na si Kaia!" tukso pa niya.
"Tumigil ka nga."
"Naku, pademure pa, o!"
"Rose!"
Hanggang sa sunod naming klase ay patuloy niya akong tinukso. I can't defend myself. Ang tanging nagawa ko lang ay manahimik. There's no use of denying it, anyway. She already caught me. Mahirap baguhin ang takbo ng isip ni Rose.
Sa sumunod na linggo ay simula na ng second semester. Minsan, ginagabi ako ng uwi tuwing may ginagawang projects o di kaya'y presentation na pinaghahandaan. Kahit gusto kong makauwi ng maaga para tumulong kay Mama sa karenderia ay may mga kailangan lang talaga akong gawin minsan. Mabuti na lang at gumagawi si Brenda sa amin.
Livius:
Sa Sabado, bibisita kami.
That was the message I received from Livius after our Intramurals. Isang buwan na rin mula noong huli siyang bumisita kasama sina Markus at Sage. I stared at the message for several seconds before I decided to type a reply.
Ako:
Hindi ba kayo busy?
Ayon kasi sa napapansin ko ay mas maraming ginagawa ang mga seniors kumpara sa aming mga freshmen. Ayoko namang makaabala sa eskwela nila kaya talagang sinisiguro ko na wala silang mga gawain bago pumapayag na bumisita rito. But sometimes, Livius is too hardheaded. Hindi iyon nakikinig at pinagpipilitan ang gusto. Nasanay na lang rin ako.
Livius:
Not much. I still have time to visit you, so I'll do it. Isasama ko si Sage at Carson.
My eyes stopped on the first name he mentioned. Bakit kasama na naman si Sage? Lagi na lang, a?
Gusto ko sanang itanong kung pinipilit niya ba si Sage na pasamahin. But I stopped myself from doing so. Tingin ko kasi labas na ako roon.
Ako:
Okay. Please don't bring groceries.
"Mukhang andiyan na sila Livius, Kaia. Ikaw na ang sumalubong," ani Mama habang nag-aayos ng mga hinugasang pinggan. I nodded. Saglit kong inayos ang buhok bago lumabas ng bahay.
Naroon nga ang kotse ni Livius sa labas. Nagtaka naman ako kung bakit isang kotse lang ang nandoon. Usually kasi, dalawa ang dala nila tuwing gumagawi rito. Baka siya lang mag-isa? But he told me he will be with Sage and Carson.
Bumukas ang pintuan ng kotse. Iniluwa noon si Livius. Kasunod namang lumabas ay si Carson. I expected that Sage will come out, too. Pero lumipas ang mga segundo ay maski anino niya ay hindi ko nakita kaya napagtanto kong hindi siya kasama.
"Hi, Kaia," Carson smirked. Kuminang ang hikaw niya sa kaliwang tainga.
"Hello, Carson."
"Uh, kayo lang?" tanong ko kay Livius nang makapasok na kami.
"Yup. May importanteng lakad si Sage kaya hindi na tumuloy. By the way, I bought you your favorite pizza." Ngumiti siya. I smiled, too.
Bumati sila kay Mama. Kilala ko ang lahat ng kaibigan ni Livius. I mean, those seven guys who are very close to him. Pero hindi ko masasabi na close ako sa kanila. I'm civil, though.
"Kumusta ang exams?" tanong ni Livius sa hapag.
"Okay lang. Maganda ang resulta."
"Galing naman!" He chuckled.
"Hindi makakarelate si Livius niyan, Kaia. He doesn't take his grades seriously," ani Carson.
"Shut up, Carson! Akala mo naman sobrang seryoso! E, sa pambabasag ulo lang naman magaling!"
Ang magpinsan 'tong talaga. Napangiti ako at napailing.
"At least my grades were better than yours." Carson smirked cockily.
"Ha! Yabang!"
"You should do better, Livius. Maging seryoso ka naman sa klase. Huwag iyong puro babae ang inaatupag mo," sabi ko.
I may be inexperienced but I am not naive. I know his reputation. Pati na rin sa mga kaibigan niya.
"Kaia naman! Hindi puro pambabae ang inaatupag ko!"
Tinaasan ko siya ng kilay. Kapagkuwan ay umiling. Napangiti si Mama sa aking gilid na nananahimik.
"Take her advice seriously, Livius. Isang anghel na ang nagsabi sa 'yo niyan kaya dapat mong sundin."
"You motherfu-"
"Curses. Nasa harap tayo ng pagkain," paalala ko kaya natikom ni Livius ang bibig, hindi itinuloy ang sasabihin.
"Just eat a lot, Livius. Huwag ka na lang dumaldal," si Carson.
Livius glared at him.