Suminghap ako nang makita ang repleksiyon sa salamin. For the occasion this night, I picked the maroon dress. May laso ito sa leeg. Hapit na hapit ito sa aking baywang. The sleeves reached my elbows. Sa likod naman ay expose ang kalahati ng aking likod. Ang saya nito ay hanggang tuhod ko. I tied my hair into a bun. May mga hibla ng buhok ko ang naiwan. I purposely styled it that way to make it look iconic. Katulad ng sabi ni Brenda, she helped me with my make up. Light lang iyon katulad ng gusto ko. I'm not fond of heavy make ups. "Ang ganda mo, Kaia!" Pumalakpak pa si Brenda. "Talaga? Hindi na ako mukhang muchacha?" biro ko. "Sus! Alam mo namang kahit magsuot ka ng basahan, maganda ka pa rin at hindi magmumukhang muchacha! Sana all!" Napatawa ako. "Pero may kulang pa! Ano ba ang s

