"K, ano ba itong narinig ko kay Rita na may balak kang umalis diyan sa makalawa? Are you out of your mind?!" bulyaw ni Luke kinagabihan nang tumawag siya. Hinilot ko ang sentido at sumandal sa headrest ng higaan. Pagkabalik ko kasi kanina sa suite ay sinundan ako agad ni Rita at nasabi sa kanya na aalis na kami sa makalawa. And now, the news reached my hot-tempered manager. "Can you please calm down? Hindi 'yan makakabuti sa kalagayan mo. How are you? Maayos ba ang pagtrato nila sa'yo riyan? How about the security? Did you make sure that it is tight and-" "I appreciate your concern but I am very fine here, Kaia! Ang inaalala ko ay ikaw! Nakikiusap ako, huwag ka munang aalis diyan sa resort! That's the safest place for you!" Hindi ko napigilang umirap sa huling sinabi niya. Sage just to

