"Andiyan na naman ang guwapo mong customer..." makahulugang sabi ni Rian paglabas ko sa locker room. Tapos na ako sa shift ko para sa araw na iyon. I sighed when I saw Sage on one of the tables. Mukhang seryoso nga talaga siya na susunduin niya ako parati. Masyado bang nag-aalala si Livius sa akin para abalahin ang kaibigan niya ng ganito? But on the other hand, Sage seems okay with it. At iyon ang hindi ko maintindihan. Kung tutuusin, puwede naman niyang tanggihan si Livius. Ngunit bakit hindi niya ginawa? Napaisip ako roon. Nabanggit ni Sage na may agreement sila. Maybe it's a give and take agreement. That reason seems more logical. "May order ka?" tanong ko kay Sage. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kumpara kahapon, mas pormal ang suot niya ngayon. He's wearing a blue longsleeve

