The hills around, fields, trees and the sunny afternoon made me feel nothing but familiarity and placidity. Hindi ko inakalang muli akong makakabalik dito. Lalo pa sa ganitong sitwasyon. I have always been a fan of nature. It's simplicity and calmness. Kaya sa kabila ng mga problemang kinasasangkutan, hindi ko mapigilang makaramdam ng ginhawa sa mga nakikita. As if I am now at my own peace. At my safe haven. Nakatayo sa harap ng matayog na mansiyon, binalingan ko ang kasama. My fears came back when I saw the continuous dripping of his blood. "Hindi ka ba pupunta sa ospital? Hindi lang basta bubog ang dahilan niyan, Sage. Nabaril ka!" pahisterya kong sabi dahil sigurado akong sasabihin niyang siya na ang gagamot doon kahit kailangan niya ng doktor. "May malapit bang ospital dito? O 'di k

