KUNG saan-saan siya dinala ni Froilan, at sa bawat sandali ay walang pagsidlan ng kaligayahan ang puso ni Mae. Lalo na nang bumaba ang chopper at tumambad sa kanya ang lawak ng karagatan. Pakiramdam niya abot kamay niya ang tubig—makapigil-hininga ang tanawin. Nanlaki ang mga mata niya habang nakadungaw sa asul na kalawakan ng dagat. “Kathryn, gusto mo bang lumapag tayo sa islang ‘yon?” tanong ni Froilan, sabay turo sa maliit na bahagi ng lupang tila perlas sa gitna ng dagat. “Pwede ba ‘yon? Hindi ba delikado para sa chopper na lumapag basta-basta sa lugar na ganyan?” may halong kaba at pagtataka ang tinig ni Mae. “Hindi naman,” nakangiting tugon ni Froilan. “Basta may permiso lang mula sa may-ari ng isla.” “Eh, paano ka magpapaalam sa may-ari kung nandito tayo sa taas?” muling tanong

