NAKATANGGAP si Ashley, nang mensahe, mula iyon kay Denise. Tapos may kalakip na picture, agad nakaramdam siya ng galit nang makita ang picture ng asawa at PA nito. Ibig sabihin nasa tambayan ni Denise ang mga ito? Nasasaktan siya pero mas pinili na magtiwala sa kanyang asawa. Kaya ang ginawa ay nilagay sa blocked list ang numero ni Denise. Binago din niya ang settings ng kanyang cellphone. Deny lahat ng unknown number. Kaya hindi siya makakatanggap ng kahit sino na wala sa phone book list. Kailangan muna niyang mag-focus sa gagawing imbestigasyon. Patutunayan niya sa pamilya Montemayor na hindi ang ama ni Atlas Froi, ang pumatay sa kanyang ama. Hindi niya hahayaan na sirain ni Denise ang plano niya. Madaling araw na nang maulinigan ni Ashley, ang pagdating ng asawa. Lihim niya itong

