ISANG buwan na ang nakalipas simula nang ganapin ang auction. At simula nang araw na yon walang balita si Ashley, sa mga kapatid. Nang subukan tawagan ang mga ito ay walang signal ang isa man sa cellphone nang dalawang kapatid. Si Donya Esmeralda ang kasama niya sa araw-araw. Sapagkat ang asawa ay busy, kasama nito ang mga bodyguard, naglilibot sa buong isla si Atlas froi. Pinasimulan na rin ang renovation ng hotel at planong mas pagandahin pa ang kahabaan ng beach. Nagtatanim din ng mga puno ang mga tao sa gilid para makapagbigay ng kanlungan sa mga taong nais magbabad sa dalampasigan. Kahit ang lahat ng street lights, pinaayos ni Atlas Froi, at syempre pangunahin na kalinisan. Ilang weeks din siyang nag-stay sa isla. Bago bumalik ng Manila. Miss na niya ang asawa, at ang baby nila sa

