ILANG araw nang tahimik si Mae. Marami siyang gustong gawin, ngunit okupado ang isipan niya ng tungkol sa kapatid—higit sa lahat, sa bata. Hindi siya mapakali sa pag-aalala, lalo na ngayong nawawala ang kapatid niya. Kung totoo ang sinabi ni Froilan, pinuntahan na raw ng mga tauhan nito ang squatter area, ngunit ni anino ng bata at ng lola nito ay hindi nakita. Mabilis pumasok sa isip niya ang posibilidad; baka nasa kamay ng sindikato ang pamangkin niya. “Mahal, alam kong nahihirapan ka sa kakaisip sa kapatid mo,” mahinahong sabi ni Froilan. “Pero bigyan mo pa ako ng ilang araw. Pinapangako ko, mahahanap din siya.” Halos hindi na siya kinakausap ni Mae, at ramdam ni Froilan ang literal na kirot sa dibdib. Malaki ang ipinagbago nito simula nang bumalik sila mula sa Vietnam. “P-please, hu

