WALANG kaalam- alam si Atlas Froi, sa mga nangyayari. Ang buong atensyon ay nakatutok sa malaking screen. Naka- monitor siya at si Jade Lance sa nagaganap na pag lusob sa pugad ng kaaway. Isang pagkakamali maaaring mamatay ang bayaw at mga tauhan nila. Samantala nasa delivery room naman si Ashley. Panay na ang paghihilab ng kanyang tiyan at anumang sandali ay lalabas na ang kanyang baby. Pawisan na rin siya at hindi na malaman kung saan hahawak para kumuha ng lakas. “Talaga bang ayaw mong tawagan ko ang iyong asawa?” tanong ni Agatha Mae, dumating siya nang bansa kaninang madaling araw. At kaninang umaga nang nalaman na sumasakit ang tiyan ng kaibigan. Nagmamadali siyang nagtungo sa mansion Montemayor. Ngunit nang dumating siya ay nasa loob na ng ambulance ang kaibigan. Kaya sumakay na r

