“Salamat sa tulong, pero hindi mo na kailangang gawin ito. Nakaplano na talaga ang pag-alis ko, nag-aalala lang ako sa titulo ng lupa kaya ganun. Pwede mo ng ibigay sa akin ang titulo babayaran kita,” sabi niya habang nasa sasakyan sila.
"Hindi ko kailangan ang pera, businessman ako. Kailangan ko munang mapakinabangan ang anumang investment ko bago ko bitawan. Wala ka pang ginagawa sa akin, Puridad. Saan ka naman titira kung sakali?”
“Meron naman akong mga kaibigan. Pwede rin duon sa ex ko,” sagot niya.
“Hindi maaari!” pasigaw na sabi nito.
“Bakit mo ako sinisigawan?’ angil din niya. "Nakakaloka ka naman! Paano ako sasama sa iyo kung may violent personality ka? Mamaya gagawin mo pa akong punching bag."
“Pagkatapos mo akong guluhin, ganun na lang iyon? Paano kung bumalik si Blythe? Sino naman ang ihaharap ko?”
“Ay di humanap ka ng ibang babae, sa dami ng nagkakagusto sa iyo. I’m sure maraming magkukumahog.”
“I’m sorry baby, I have one rule. I dumped women not the other way around. At saka hindi ako nananakit ng babae, wala sa bokabularyo ko iyon, maliban pag romansa sa kama. Kung gusto mo ng rough talagang medyo masasaktan ka sa sarap” Ngisi pa nito.
Umismid si Purity at humarap dito, ngunit hindi niya maitatanggi na may gumapang na init sa buo niyang katawan. Pero maayos ang katinuan niya, hindi siya padadala sa mga salita ng isang ruthless playboy na tulad ni Thadeus. “Okay sige, binasura mo na ako dahil nagsawa ka na sa akin. Willing din akong umarte para kapani paniwala. Basta huwag mo na akong abalahin.”
Hindi nagustuhan ni Thadeus ang sinabi niya dahil umungol ito at nagsalubong ang mga kilay. “Ako ang magsasabi kung kelan kita ibabasura at hindi ngayon yun. At bakit ka naman titira sa ex mo? Wala ka bang delikadesa?"
'Naghiwalay naman kami ng maayos, at magkaibigan kami. Hindi ako maiilang pag sa bahay niya. Gamay ko na rin dun."
"Nakipaglive-in ka na?". Thadeus growled at her.
"Naman, napaka double standard mo Thadeus. Modern na tayo ngayon. Ikaw nga you f****d every girl you want whereever and whenever you like. Ang pakikipag live in ay hindi na bago, mahal naman namin ang isa't isa."
"Bakit kayo naghiwalay kung ganun?" nakakunot noo pa rin na tanong nito.
"He cheated on me," sabi niya.
"He cheated on you?" ulit nito ng malakas na halos ikalingon ng driver nito. "And yet, you wanted to be with him again? You're stupid!"
"Uyyy, you're talking to women in general. Blythe still wanted you even when you cheated on her many times"
"That's different, I don't commit myself to her. We have this mutual understanding and it pissed me off when she tried to be clingy. She's f*****g Red Montalban too, but I don't care."
Tumunog ang telepono niya at binasa niya ang text. “Sakyan mo na lang si Thadeus, kailangan natin siya.” Galing ang text kay Boss Joel at hindi niya pwedeng tanggihan ang utos.
Napabuntong hininga si Purity at saka lumingon kay Thadeus nang nakangiti ng matamis. “Kung iyon ang gusto mo. Itutuloy ko na rin ang naudlot ko na trabaho. Maglilinis ako ng iyong bahay at magluluto na para mong maybahay.’
Napakunot noo si Thadeus, “maybipolar disorder ka ba? Ang bilis mong magbago ng mood.”
“Siguro, di bale magandang bipolar naman ako,” sabi niya, sabay kindat. Napangiti si Purity ng humugot ng hininga si Thadeus. Alam niyang apektado ito sa alindog niya. She was trained to use her beauty and charm. She even used her body to lure their enemies sometimes.
“Anyway, ilang taon ka na?” pag iiba nito ng usapan na wari ay nahihirapan.
“Nineteen,” pagsisinungaling niya. Twenty-three na siya. Pero mas kapani paniwala naman ang nineteen dahil nasa unang taon siya sa kolehiyo.”
“Ano ang kurso mo?”
“Electronics Engineering.”
“Bakit paglilinis ang napili mong sideline?’
“Mas madali kaya at malaki ang kita. Hindi ko nakikita ang mga amo na nililinisan ko ng bahay. Tapos isang libo kada linis sa loob lang ng apat na oras.”
“May iba ka pang nililinisang unit bukod sa akin?”
“Naman, siyempre. Ang partner ng s’yota mo sa movie ngayon, si Red, at yung may-ari ng mga hotels, si Joel Dela Fuente.”
“Kilala ka nila?”
“Syempre, kaibigan ni Red ang ex ko. Niligawan din ako ni Red.”
“Gandang ganda ka sa sarili mo ah,” piksi nito.
“Bakit ikaw? Hindi ka nagagandahan sa akin?” Tanong niya habang umarko ang kilay niya.
Tumikhim si Thadeus, “oo naman, wala aking girlfriend na hindi maganda.”
“Alam ko naman na ganda at alindog ko ang habol mo Mr. Gerges. Pero hindi ako nagbebenta ng katawan kahit sa malaking halaga. Gusto ko lang ipaalala sa iyo.”
Malaki ang ngiting nilingon siya nito. “Wala naman ako sinasabi. At saka isa pa, wala akong pinilit na babae. Pero kung ma realized mo na gusto mo na akong tikman nandito lang naman ako.”
“Kung makapagsalita ka, parang hindi asul ang dugo mo. Wala akong balak na tikman ka, mukhang laspag ka na sa dami ng kinalikot mo.”
Humalakhak ng malakas si Thadeus at hinaplos ang kanyang buhok. “That is why, I like you baby. But soon, you’ll be mine completely. You're such a smart ass. At patutunayan ko sa iyo na hindi ako laspag.” Matiim nitong sabi habang nakatitig sa kanya, para bang gusto siyang kainin.
Inilayo niya ang kanyang katawan ng kunti. “Oo nga, mukhang nakakagutom ka,” sabi niya habang hawak ang kumukulo niyang tiyan.
Pumasok sila sa isang kilalang restaurant. Pamilyar siya sa lugar dahil ilang beses na rin siyang dinala dito ng kanyang mga nabiktima.
Ang restaurant ay pag-aari ni Boss Joel. Umungol siya ng makita si Red na papalapit sa kanila. “Pagminalas ka nga naman.”
“Purr? Is that you? Wow! you’re wearing the shirt I gave you.”
Nagulat pa rin siya ng bigla siyang hatakin ni Red at yakapin. “Wow, you still smell so good.”
Sa isang iglap may kamay na nagpahiwalay sa kanila. Nakita na lamang niya ang kanyang sarili na nasa likod ni Thadeus.
“She’s my girlfriend now Red Montalban.”
Si Blythe ay nagbabaga ang mga matang nakatitig sa kanya, kung ikamamatay ang mga titig, tumimbwang na siya sa kanyang kinatatayuan. Isa ang halukay ng bituka ng dalawa. Parehong matinik sa babae.
Itinaas ni Red ang mga kamay na animo’y sumusuko. “I’m sorry, your highness, nakalimutan ko, matagal na kasi kaming magkaibigan ng kasama mo.” May sarkasmo ang pakasabi nito.
“Just keep your hands to yourself,” sabi Thadeus at hinila na siya sa kanilang mesa. Si Blythe ay humakbang palapit kay Thadeus, pero itinaas nito ang kamay. Napahinto si Blythe. Napakunot ang noo niya, bakit ganun na lamang kung sumunod si Blythe? Hindi ganuong klase ng personalidad ang meron ito. Napahanga si Purity sa ganitong personalidad ni Thadeus. The man was oozing with authority when he moves.
“Huwag mo ng isuot ang shirt na yan,” bigla na lang nitong sinabi.
“Pero gusto ko ito, may autograph ito ng favorite kpop idol ko.”
“Ilista mo ang mga idols mo, bibigyan kita ng T-shirts na may mga pirma nila.”
Tumaas ang kilay niya. “Nakikipag kumpetensya ka ba dahil sa T-shirt?”
Bigla siya nito hinila, “kung yun ang pagkaintindi mo. Bahala ka. Ayaw ko lang ng may ibang hahawak sa iyo maliban sa akin.” Sa kanyang pagkagulat, hinalikan siya nito. Sa loob ng isang kilalang restaurant na may maraming tao. Naloko na!