Chapter 11

2665 Words
Wala sa mood pumasok si Julie Anne. Hindi nga rin siya nageffort ng isusuot eh. Simpleng long sleeves at jeans lang ang suot niya. Blush at kaunting lipstick lang din siya para naman hindi siya magmuhkang multo sa pagkaputla. Itinali din niya ang buhok sa simpleng pony tail bago kinuha ang bag at bumaba na. Medyo maaga siya sa ibang tao dahil nga sa school na siya dederetso ng umaga na iyon. "O Julie Anne, paalis ka na?" "Opo nang eh." "Di ka ba muna kakain?" Tanong sa kanya ng matanda. Nagmamadali din kasi talaga siya. "Nako bata ka baka lipasan ka ng gutom." "Di po manang." Ngiti na lang ni Julie Anne. Uminom lang siya ng kape at inayos ang bag bago lumabas na ng bahay. Medyo madilim pa ang kapaligiran pero sigurado siya na pagdating niya sa school ay may araw na. Inilagay niya ang bag sa passenger seat bago pumasok sa kabila. Kahit kanina pa niya pinipigilan ang sarili ay napasulyap siya sa bahay nila Elmo. Tahimik pa ang lahat. Sigurado siya na mamaya pa magigising ang lalaki. Kung wala nga siya para gisingin ito ay marahil laging late ito. Pero tutal may iba itong kasama ay hindi naman na siya kailangan nito para maging alarm clock. Nagmameubra na siya at tinahak ang daan papuntang school. Halos wala pang katao tao nang dumating siya kaya naisip niyang pumunta sa tambayan nila sa may quadrangle. May mga benches kasi doon at madalas ay doon sila ng mga katropa tumatambay. Lagi naman talaga siya maaga. Ang eksena ay siya ay nagbabasa o nagcecellphone habang si Elmo ay ginagamit ang balikat niya bilang unan. Humahabol pa kasi ito lagi ng tulog. But she guessed that wasn't the case anymore. Sa loob lang niya ay nanananaig ang lungkot pero wala naman na talaga siya magagawa. She just missed Elmo is all. Napasandal siya sa bench at ipinikit na muna ang mga mata habang nakikinig ng music. At dahil malakas ang pakiramdam niya ay napabuka ang mga mata niya. Bakit parang may nakatingin sa kanya? E siya pa lang naman ang tao na nandoon. Napalinga linga siya sa paligid. Balita pa naman na may multo doon. Hindi naman siya matatakutin kasi di naman siya nakakakita. Pero may pakiramdamn naman siya at parang may nakatingin talaga sa kanya. "Lahat." "Ahhh!!!" Sa tinis ng tili ni Julie ay unalingawngaw iyon sa buong quadrangle at kaagad na tinakpan ni Elmo ang kanyang bibig. "Shh. Shh." Nagpupumiglas siya sa hawak ng lalaki na ngayon ay katabi na niyang nakaupo sa bench. "Aray!" Daing ni Elmo nang sikuhin ito ni Julie Anne. "Are you going to give me a heart attack?!" "S-sorry. Akala ko nakita mo na ako eh." Kinakabahan na sabi ni Elmo. He looked like a lost puppy. Nakasimangot pa rin kasi si Julie at halata pa rin ang inis sa muhka niya. "What're you doing here?" Tanong na lang ni Julie nang bigla na lang pumasok sa isipan niya na ang aga aga ni Elmo. Pero hindi niya hinintay na sumagot ang lalaki. Napalinga linga pa siya sa paligid at sa likod niito bago magtanong. "Asan si Tiffany?" "May inasikaso pa daw sa records." Sagot naman ni Elmo. Pinigilan ni Julie ang mapaisimid. So kaya lang siya hinanap nito kasi wala si Tiffany? Edi shing. Minsan talaga ang hirap magselos lalo na kapag wala ka naman karapatan. Kunwari wala na lang si Elmo sa tabi niya. Tutal nung bata naman siya gusto niya talaga magartista eh. Ngayon masusubok ang acting skills niya. Kunwari wala siya pakielam kay Elmo. Manigas siya. Pinasak niya ulit ang gamit na earphones sa kanyang tainga. Napapitlag siya nang maramdaman na nawala ang nasa kaliwa niyang earphone at nagulat na lamang nang makita na sinusuot na ni Elmo sa sariling tainga ang naturan na earphone. "Anong ginagawa mo?" Tanong nanaman niya. Namumuro na ang lalaki. Can't she ignore him in peace? "Listening to Chris Brown's With You." Simpleng sagot ni Elmo at pumikit pa na parang ineenjoy ang kantang tumutugtog sa iPhone ni Julie Anne. Sinimangutan ito ni Julie pero kahit ano naman gawin niya ay hindi nito mapapansin dahil nga nakapikit. Hindi niya alam kung anraramdaman nito na iwas siya pero mas gusto nga niya na ganun na lamang para hindi na niya kailangan magpaliwanag. Sigurado naman siya na once na makabalik na si Tiffany mula sa kung ano man ang ginagawa nito sa records ay iiwanan na siya nito ulit. She closed her eyes and listened as the song changed. Now Hate That I Love You was playing. E kung naaayon nga naman o. She hates how much she loves Elmo. Tanga ka Julie tanga ka kailan ba mapupukpok sa kokote mo yon? Saka niya napagtanto na wala talaga mangyayari kung patuloy siya magpapakatanga. Siya na lang talaga ang iiwas. Napalingon siya sa lalaki at sakto ay ginamit nito ang balikat niya bilang unan. Gaya ng dati. Gumalaw siya para umalis pero binigatan lang nito ang ulo sa balikat niya. "Elmo!" "Patulog lang Lahat." O edi shing talaga. Tangina pakiramdam niya gamit na gamit na talaga siya. Pero hindi niya mapigilan ang sarili na hayaan ito. Kung may titingin sa kanya ay alam na kumikinang na ang mata niya dahil pinipigilan niyang tumulo ang luha. Sinandal na lang niya ang sarili sa likod ng bench at hinayaan na matulog si Elmo sa balikat niya. Tandaan mo Julie. Best friend ka lang sa kanya. Hindi na hihigit pa doon. Napapapkit na din siya sa antok nang makarinig ng lakad papunta sa kanila. Bumuka ang mata niya at nakita si Mam Maricar, ang school registrar. "O Julie..." Marahil ay nakaramdam si Elmo dahil bigla na din ito nagising at nalaglag pa ang nakapasak na earphone. "Mam Maricar." Sambit ni Julie Anne. "Nako mga anak. Boto naman talaga ako sa inyong dalawa kaso PDA yan. Baka mahuli kayo nila Mrs. Castro." Humiwalay kaagad si Julie Anne kay Elmo at inayos pa ang sarili. "S-sorry po mam. Nakatulog lang po." Inimis niya ang gamit niya at nginitian ang matanda habang si Elmo ay kinukuha na din ang bag. Naglakad palayo si Julie nang marinig niyang tinatawag siya ni Elmo. "Bakit." Sagot niya kahit na patuloy na naglalakad at hindi ito hinaharap. "Lahat please wait." "Ano nanaman ba Elmo?" Hindi napigilan ni Julie at hinarap ang lalaki. Nakita niyang nagulat ito sa pagtaas ng boses niya. Pinakalma niya ang boses niya bago muli nagsalita. "Kakain muna ako. Bigla ako nagutom." "Sasama ak--" "Elmo!" Napatingin silang dalawa sa boses at nakita na papalapit sa kanila si Tiffany. Nakangiti itong hawak hawak ang records niya. Laking gulat na lang ni Julie nang lumapit ito kay Elmo at yinakap ito ng mahigpit. "Tuloy pa rin scholarship ko!" Kahit si Elmo ay halatang nagulat dahil hindi din kaagad nakagalaw. Napailing si Julie sa sarili at pasimpleng naglakad palayo. Mabuti na lang at malapit na ang canteen dahil doon siya dumeretso. Pero nagsinungaling siya dahil hindi naman talaga siya nagugutom. Nakita niyang nagaayos pa lamang ng mga gamit ang cafeteria people. Dumeretso siya sa Audi-Gym na nasa likod mismo ng canteen. Linapag niya ang bag sa tabi niya habang nasa may upstairs bleachers. May lugar kasi doon kung saan hindi ka kaagad makikita. Sa lapag siya nakaupo dahil malinis naman doon. Nakapatong ang siko niya sa kanyang mga tuhod. Maya maya ay lahat ng freshman dederetso sa auditorium dahil may Freshman orientation every year. Sila naman ay sa klase na dederetso. Ang sakit. Kahit alam niyang yinakap lang ni Tiffany si Elmo ay hindi niya mapigilan na maging apektado. Hindi kasi siya sanay na may ibang babae na close sa lalaki. Oo close ito sa ibang babae sa barkada nila pero may iba eh. Or she was just being selfish? Dapat masanay siyang hindi nasasaktan kapag nakikita na close si Tiffany kay Elmo. Dahil ano naman nga ang karapatan niya diba? At malay din ba niya na si Tiffany talaga ang type ni Elmo. Nagulat siya nang bigla na lamang tumunog ang kanyang telepono. Sinagot niya kaagad nang makita na si Maqui ito. "Bakla asan ka?!" "Nasa auditorium." Sagot niya sa tawag nito. "Luh! Di ka freshman wag ka magfeeling! Tara sa canteen!" Yaya ni Maqui. Napahinga ng malalim si Julie. Hindi siya pwedeng humindi kay Maqui dahil susunduin siya nito panigurado at baka mageskandalo pa sa audi-gym. Bumaba na siya at nakitang nandoon si Maqui sa isang lamesa na nasa may dulo ng canteen. Paparami na ang mga estudyante at ang mga iba ay sigurado si Julie na freshman. Makikita sa mata ng mga ito ang takot pati na rin excitement. "Bhe ang ganda naman nito." "Baka popular yan..." "Ganda talaga te. Bet ko yung ilong." Julie made her way over to where Maqui was and sakto naman na papaupo din si Trixie. Dito sa school ay sila sila ang magkakasama. Iba kasi ang school nilaa James, Tippy at Sam. Si Kris, Joyce, Nadine at Jhake ang kasama din nila ang kaso lang ay wala pa ang mga ito. Malamang si Jhake ay si Bea ang kasama ngayon. "Hi magandang dyosa!" Bati sa kanya ni Trixie at sakto naman ay napasinghap pa ito. "OMG bakit di kayo magkasama ni Elmo--aray!" "Manahimik ka nga dyan bakla." Nanlilisik ang mata na sabi ni Maqui. Sumimangot si Trixie habang hinihimas ang naapakan na paa. "Ano ba problema mong tangkad ka. Hinahanap ko lang naman si Elmo." "I don't know where he is." Sagot ni Julie. Probably with Tiffany though. "OMG talaga. Nag-warla ba kayo?" Sabi naman ni Trixie. "Huh? Hindi ah." Mabilis na sagot ni Julie. Totoo naman eh. Hindi naman sila nagwarla ni Elmo. Siya lang talaga ang kusang lumalayo sa lalaki. "Samantalng knight in shining bathing suit mo siya nung isang gabi kayla Bea tapos ngayon di kayo magkasama?" "Trixie pwede ba manahimik ka na!" Sabi pa ni Maqui. Nanahimik na nga si Trixie dahil nakita nitong nanlilisik na ang mata ni Maqui. Napahilot sa sentido si Julie. Kung masasanay siya na hindi niya kasama si Elmo, pati dapat ang ibang tao siguro. "Pwede naman na hindi kami magkasama lagi ni Elmo diba? Hindi ko naman siya boyfriend." Sabi niya sa kaibigan bago tumayo para bumili ng pagkain. Mabuti na iwan muna niya si Maqui kasama iyon. Ang best friend na niya ang bahala magpaliwanag dito sa mga nangyayari. Ayun ay kung gusto magpaliwanag ni Maqui. Bahala na. Derederetso siya para sana bumili ng egg sandwhich nang muntik na siyang tumama sa isa pang tao. "Oh. Sorry." "Okay lang." Napatingin siya dito at napakunot ang noo nang mapagtanto na pamilyar ang muhka nito. Muhkang iyon din ang naiisip ng lalaki dahil matagal din nito siyang tiningnan. "Ano sa inyo mga bhe?" Natigil ang pagtingin nila sa isa't isa nang magsalita ang tindera sa harap nila. The guy gestured for Julie to step up. "Ikaw na mauna." "Salamat." Julie smiled. She bought an egg sadwhich for herself before walking back to where Maqui and Trixie were. "Dyowsa, sino kausap mo kanina? Ang yummy." "Ha?" Napabalik ang tingin ni Julie sa kung saan siya bumili kanina at nakita na nakatingin sa kanya ang lalaki kanina. Nagiwas ito ng tingin na parang walang nakita pero pansin niya na namumula ang tainga nito. "Hihihi muhkang bet ka niya girl. New student ba yan?" Tila kinikilig na sabi ni Trixie. "Bes, diba yan yung bagong lipat?" Sabi ni Maqui. Kaya naman pala pamilyar. Tama ito. Ito nga ang nakita nilang lalaki na bagong lipat sa village nila. "Ay, sa inyo siya nakatira?" "Gaga ka bakla sa village lang, ala namang kayla Julie yan nakatira?" Tawa pa ni Maqui. Tumawa si Trixie. "Ay pag-ibig na yan friend! Unang boyfriend mo!" Deklara pa nito. Tinaasan ni Julie ng kilay ang kaibigan. "Unang boyfriend talaga?" "Bakit, hindi nga ba?" Nangiintriga na sabi ni Maqui. Tumawa si Trixie. "May Elmo pa!" "H-hindi--ano ba!" Nagtawanan lang lalo si Maqui at si Trixie. Kumagat na lang si Julie sa sandwhich niya. She couldn't wait for classes to start. "Ay powta." Biglang sabi ni Trixie dahilan para mapaangat ng tingin si Julie Anne. Papalapit sa kanila ngayon si Elmo at si Tiffany. Naguusap ang dalawa at may sinasabi si Elmo dahilan para mapatawa si Tiffany. "Tungunu naman bes. Dyan ka pinagpalit ni Elmo? Hips yan eh!" "Anong Hips?" Tingin ni Maqui kay Trixie. "Hips! Hipon! Payat lang! Iba ang payat sa curvy! Walang wala sa bubelya ni Julie Anne!" "Shut up Patrick!" Kinakabahan na sabi ni Julie dahil papalapit na ang dalawa sa kanila. "Hi guys!" Ngiti ni Tiffany sa kanila. Trixie smiled but it was also menacing to look at at. Si Maqui naman ay tumango lang habang si Julie ay pinilit din na ngumiti. "K-kumain ka na ba Lahat?" Tanong ni Elmo bigla sa kanya. "Bulag ka ba Elmo?" Biglang sabi ni Trixie. "Ayan o ngumangata ng sandwhich." "Ah...oo nga no. Di ko napansin." Napakamot sa likod ng ulo si Elmo. "Hmmp!" Himutok ni Trixie. "Marami ka naman talaga hindi napapansin! Nawalan ako ng gana! Buset!" At bigla na lang ito tumayo at iniwan sila doon. Parehong nagtataka ang muhka ni Elmo at Tiffany habang si Julie at Maqui ay pareho na lang napapailing. Wari ni Julie ay talaga nagshare na si Maqui kay Trixie ng mga alam nito. Nakatungo lang siya dahil hindi niya matingnan si Elmo at si Tiffany. Ganun kasakit. Mabuti na lang at sa unang klase niya ay hindi niya kaklase ang mga kaibigan. May panahon siyang magfocus lamang sa inaaral at mapag-isa. Ilang sandali lang ay tumunog na ang bell at gusto magpasalamat ni Julie sa kalangitan dahil timing na timing talaga ito. Inimis niyaa ng gamit at bumeso kay Maqui. "Maq, una na ako ah. Gusto ko makaupo sa harap eh." "Bes kahit hindi ka naman mauna ikaw lang ata ang gusto umupo sa harap." "E malabo mata ko eh." Julie pouted. Natawa si Maqui at kinurot pa ang muhka ni Julie Anne. "Cute cute mo bes! Ganda ganda mo talaga! Tanga na lang talaga ang iiwanan ka!" "Maq." She hissed. Pero walang pake si Maqui at tumayo na din. Saka nito hinarap sila Elmo na nananahimik lang the whole time. "Magalona tara magkaklase tayo sa unang subject." Sabay harap kay Tiffany. "Ikaw ate girl? Sasama ka?" "A-ah. Hindi. Actually si J-Julie kaklase ko ngayon." Sabi pa ni Tiffany. Shit naman o. "Ah sige, Sabay sabay na lang tayo sa lunch." Ngiti sa kanila ni Elmo. Isang matamis na ngiti ang binalik ni Tiffany. Julie shook her head and made her way out of there. "Julie!" Narinig niyang tawag sa kanya ni Tiffany. Tumigil naman siya sa paglalakad at hinintay na maabutan siya ng babae. "S-sabay na tayo?" tanong pa nito sa kanya. Ala namang sabihin niyang ayaw niya. Kaya tumango na lamang siya at sabay silang naglakad. Tahimik lang sila nung una at nakakaramdam si Julie na may gusto talaga sabihin sa kanya ang babae. Nakaabot na sila sa mga hagdan nang sa wakas ay nagsalita na si Tiffany. "Uhm, Julie." Tawag nito kaya tumigil sila sa paglalakad. She faced the girl and Tiffany stared her down back. Determinado ang muhka nito at hindi alam ni Julie kung bakit. Hanggang sa wakas ay muli ito nagsalita. "Gusto ko lang linawin...kung may something ba talaga kayo ni Elmo?" Kumabog ang dibdib ni Julie. Gusto niya sagutin ito na sa kanya lang si Elmo. Bata pa lang sa kanya na si Elmo. Sabihin mo man may something o wala. Pero alam niya na hindi iyon totoo. So with a heavy heart, she answered Tiffany who was had a determined look on her face. "Wala." Ngumiti si Tiffany. "Good. Kasi gusto ko siya. Gustong gusto ko siya." At naglakad na ito , palayo, iniwan si Julie na hindi makagalaw sa gitna ng stair well. =o=o=o=o=o=o=o=o=o==o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o==o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o==o=o=o AN: Hello faneys! Sorry dapat kagabi pa ito kaso nagloloko yung computer namin kagabi huhu! Kamusta naman? Papatayin na ba natin si Tiffany hahaha charot! Comments and votes please! Thanks for reading! Mwahugz! -BundokPuno<3 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD