Chapter 17

2600 Words
"Julie!" Mabilis na sinara ni Julie ang pinto ng kotse niya pero nasalo kaagad ito ni Elmo. Muntik pa maputulan ng kamay ang lalaki pero wala ito pakielam. "I am not talking to you. Let me leave." Madilim na sabi ni Julie Anne. Di bale na hindi siya makapasok sa panghuling klase niya. Basta lang malayo siya kay Elmo. Mabuti na lamang at walang tao na nakakita sa mini bugbugan ni Carlos at Elmo dahil sigurado deretso sila sa discipline commisioner. "Julie..." Si Carlos naman ang nagsalita. Muhka itong nahihiya habang nakatayo sa tabi ni Elmo. "You don't talk to her!" Galit na sabi ng huli. Sinimangutan lang ni Carlos ang lalaki at napairap si Julie sa inis. "Who talks to me is my decision and right now I don't want to talk to either of you." Sinubukan niya muli isara ang pinto nang magulat sila sa tumatawag. "Elmo!" Lahat sila ay napatingin sa direksyon ng boses. Napairap na lang si Julie nang makita na si Tiffany ito. And that seemed to distract Elmo dahil napabitaw ito sa paghawak sa pinto ng kotse niya. Mabilis niyang isinara iyon at pinaandar ang kotse. "Julie! Julie saglit lang!" Sigaw pa ni Elmo mula sa labas. But Julie was able to back up from the parking lot and drive away. Umiiyak siyang nagmaneho. May kabilisan din ang pagpapatakbo niya dahil gusto lang niya makalayo. Nagikot ikot lang siya hanggang sa mapagod na siya sa pagmamaneho. Hanggang sa nagdesisyon siya na dumeretso na lamang sa bahay nila. Mabuti na lamang at nakauwi siya nang matiwasay sa kanilang bahay. She parked her car by their large driveway before bounding outside. Hindi pa siya nakakapasok sa loob ng bahay nang tumunog ang telepono niya. Unknown number ang tunatawag. Usually ay hindi siya sumasagot kapag unknown number dahil madalas ay mga manloloko lamang ito. Pero may nagsasabi sa kanya na sagutin niya ito. "Hello?" "Good afternoon mam. Uhm, sorry mam. Hindi ko po alam pangalan niyo pero nakasave po kasi sa cellphone ni Mr. Magalona na ikaw daw si Lahat?" Kumabog ang dibdib ni Julie. She wasn't feeling good about this. "B-bakit po?" "Nandito po siya sa emrgency room ng PortMed. Kayo po yung huli niyang tinatawagan bago siya maaksidente." "P-papunta na po ako diyan." Wala sa sarili na binaba ni Julie ang tawag at nagmamadali na pumasok muli sa kanyang kotse. Nanginginig pa ang kamay niya habang nagd-drive pero pinaalala niya sa sarili na huminahon muna. Nakaabot siya sa ospital at derederetso na pumasok sa emergency room. Nakita niya ang mga nurse na nagkakagulo sa isang kama at muntik na siyang mapaupo sa sahig nang makita na si Elmo ang inaasikaso ng mga ito. "Uhm excuse me." Napatingin siya sa nagsalita at nakita na isa itong doctor base na sa suot na coat. "Ikaw ba yung relative ni Mr. Magalona?" "Ka-kaibigan niya po ako." "Kung pwede patawag ako ng relative din niya." Sabi ng doctor bago tumulong sa mga nurse. Sinubukan lumapit ni Julie pero kung ano ano pa ang ginagawa ng mga nurse kay Elmo. "Stabilized na po doc!" "Ipa-labs niyo na at deretso tayo sa radiology." "Elmo..." bulong ni Julie. Walang malay ang lalaki at kinukunan ito ng dugo ng MedTech ngayon.  "Mam okay lang pafill up po ako ng information niya?" May lumapit na isang nurse sa kanya at nanginginig ang mga kamay na ginawa niya iyon. Dinala si Elmo palabas ng ER, tantya ni Julie para ipa x-ray. Naiiyak na tinawagan niya si Irma. "Tita!" "Julie bakit ano yon anak?" "Tita si Elmo po nasa ospital. Naaksidente po siya." "Ha? Anong ospital yan?" Binigay na ni Julie ang pangalan ng ospital bago niya binaba ang tawag. Lumuluhang napaupo siya sa waiting chair sa loob lang din ng ER. Napadasal siya na sana ay maging okay lang si Elmo. Nakalipas ang ilang minuto at nakita niyang binabalik na sa ER ang kama na nagdadala kay Elmo. Tumayo siya at kaagad na lumapit. Nakita siya ng nurse at mahina siya nitong nginitian. "Stable na po ang boyfriend niyo mam. May idea po ba kayo kung may health card siya?" Kahit papaano ay gumaan ang loob niya sa ngiti ng nurse na iyon. Tumango siya sa sinabi nito. "May Medicard po siya. Nasa wallet niya po iyon." "Mabuti pa mam kayo po ang kumuha noon." Tinanggap ni Julie nang ibigay ng nurse sa kanya ang wallet. Binuksan niya ito at laking gulat niya nang makita kung ano ang laman na larawan ang bumungad. It was a picture of the two of them when they were younger, mga 15 ganun. Nakaupo silang dalawa sa kama sa treehouse. Naalala niyang ang Ate Angel pa niya ang kumuha noon. Nakaakbay sa kanya si Elmo at nakasandal ang ulo niya sa balikat nito. Naluha pa siya muli bago niya naalala na kailangan nga pala ng nurse ang Medicard ni Elmo. Dinukot niya ito sa compartment ng wallet nito bago ibigay sa nurse. "Ipapaapprove ko lang po mam." At naglakad na ito palayo. Umupo siya sa tabi ng kama ni Elmo. Nakabenda ang ulo nito at nakikita ni Julie ang malaking pasa sa bandang gilid nito. Nandoon pa rin ang sugat sa may kilay mula sa pagkakasuntok dito ni Carlos. "Elmo ano nanaman ba ginawa mo." Naiiyak na sabi niya. Nawala bahagya ang galit niya dito. Hinawakan niya ang kamay nito pero walang reaksyon ang bumalik. "Elmo wake up." She cried and grasped his hand in hers. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarinig siya nang mga boses na papalapit. "Julie!" She turned and saw Rob and Irma heading her way. Napatayo siya mula sa upuan. Naiiyak na tiningnan ni Irma ang bunso niya na wala pa ding malay sa may kama. "Ano nangyari Julie Anne?" Dahan dahan na tanong sa kanya ng ama ni Elmo. "H-hindi ko po alam. Naaksidente daw po siya eh." Naiiyak na sabi ni Julie Anne. "My baby." Iyak din ni Irma habang tinitingnan si Elmo. Hinarap nito si Julie. Magtatanong pa sana ito nang lumapit na sa kanila ang ER doctor. "Kayo po ba ang magulang ng pasyente?" "Yes doc." "Doc Chavez po. Your son was in a car accident. Bale ang nangyari daw ay may sumalpok na isa pang kotse sa kotse niya. Pina xray na namin and other tests. Good thing is wala namang bali sa kanya. But he did hit his head hard. And there is a possobility of whiplash. We need to keep him here for observation. I suggest ipaadmit niyo na siya." "Gawin niyo po ang lahat doc." Sabi naman ni Irma. The doctor gave a comforting smile. "Gagawin po namin ang lahat ma'am. Hintayin ko lang po ang lab tests niya bago siya iakyat sa room." At iniwan na sila nito. Napayakap naman si Irma kay Julie na yumakap lang din pabalik. "Anak, kami na muna bahala kay Elmo baka napapagod ka na." Sabi naman sa kanya ni Irma. It would be the sensible thing to do dahil ano naman ang matutulong niya kapag nagstay siya doon. Sasabihin niya sana na gusto niya manatili nang marinig nilang kahinang umuungol si Elmo. "Mm..." "He's awake!" Hindi napigilan na sabi ni Julie. Sa narinig ay nagsilapit ang doctor at nurse. "Elmo? Elmo?" Tawag ng doctor. Panay ungol lang ang lalaki at bahagya pa itong naubo. "J-Julie..." sambit nito. Napatingin ang doctor kay Julie at sumenyas sa kanya para lumapit. Tumingin muna si Julie kayla Irma at tumango tango naman ang mga ito. She walked closer and held Elmo's right hand. "Elmo..." Nakapikit pa rin na mahinang ngumiti ang lalaki bago muling nawalan ng malay. "Mas maganda kung nandito ka muna. Para ikaw una niya makikita kapag gising na siya." ani doctor habang nakatingin kay Julie Anne. At hayun na nga ang nangyari. Inakyat na nila si Elmo sa isang private room at mabilis na tinawagan ni Irma sila Laura para ipaalam kung ano ang nangyari. Si Rob ang nagaasikaso ng mga bayarin sa may billing habang tinatawagan ni Irma sila Maxene at Frank para malaman ng mga ito kung ano ang nangyari sa kapatid nila. "Anak alam mo ba kung bakit nagmamadali si Elmo?" Tanong sa kaya ni Irma. Muhka itong pagod na pagod. At wala naman masabi si Julie. Masyado mahaba ang kwento. At hindi naman niya alam kung tama nga ba ang magiging kwento niya. Dahil hindi naman niya alam kung bakit nagmamadali na magdrive kanina si Elmo. "Hindi ko po alam tita eh." Mahinang ngumiti lang sa kanya si Irma bago nito hawakan ang kamay niya. "Well whatever it was...he was thinking of you." Tanging nasabi na lang ng nakatatandang babae. Nanahimik na silang dalawa na pinapanuod lang si Elmo na wala pa rin malay. Wala sa sarili na lumapit si Julie at tumabi sa lalaki. Sinuklay suklay niya ang buhok nito at naiiyak na tiningnan ang kalagayan nito. Lumabas saglit si Irma dahilan para makausap niya ito ng maigi. "Sadya mo ba 'to hayop ka." Hindi niya napigilan na sabihin. "Palibhasa..." Nanahimik siya. Alam niyang kahit paano ay naririnig siya ni Elmo. "Palibhasa alam mo na I still care for you gago ka talaga." Hindi niya alam kung maiiyak ba siya o ano. Kung hindi lang injured si Elmo ngayon siya ang sasapak dito eh. "Gising ka na." She cried, nudging his arm. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising lang siya ulit nang marinig niyang may gumagalaw sa kwarto. Binuksan niya ang kanyang mga mata at nakita na nandon na muli si Irma kasama si Maxene. Napapitlag siya dahil nakahiga pala ang ulo niya sa tabi ng braso ni Elmo. "Jules, lipat ka muna dito. Pinadalhan ako ng ate mo ng damit." Sabi sa kanya ni Maxene. Napatingin naman siya kay Elmo na natutulog pa rin. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki bago lumapit kay Maxene at nakipagbeso. "Hindi pa rin po siya nagigising." Nanghihina na sabi niya kay Maxene. Malungkot naman siyang nginitian ng ate ni Elmo. "He'll pull through. Si Elmo pa." Malalim pa rin ang tulog ng lalaki. Malakas siguro talaga ang impact. Balita ni Julie ay warak ang buong kanan na bahagi ng kotse nito. "May alam ka ba sa nangyari Jules?" Tanong sa kanya ni Maxene. Tinanong na ito sa kanya ni Irma kanina. Pero wala talaga siya alam. Basta umalis siya sa school para makalayo dito at matapos ay may tumawag na lang sa kanya. But she had no choice so at least they knew. So she told them everything she knew up to that point. "Jusko itong batang ito." Ani Irma. Hindi lang sinabi ni Julie na may binitawan na salita si Elmo sa dulo. "Pretty reckless." Napapailing na lamang na sabi ni Maxene. Nakaupo siya sa tabi ni Julie sa sofa habang inaayos naman ni Irma ang kumot ng anak. "Wala ba update ang doctors?" Tanong din ni Maxene. "Hihintayin lang na magising siya." Sabi ni Irma. Ang kaso lang ay ang tagal bumalik ng malay ni Elmo. Pinakanagkaroon siya ng malay ay nang tawagin niya si Julie kanina sa ER. "Bibili lang ako ng dinner, what would you girls like?" Tanong ni Irma. Umiling si Julie. Sa totoo lang wala siya gana. But Irma wouldn't have it. "Hindi pwede anak kailangan mo kumain at baka pareho pa kayo ni Elmo malagay sa ospital." "Kahit sandwhich po." Sabi na lamang ni Julie Anne. Ngumiti si Irma at lumabas na ng kwarto. Kaagad naman hinarap ni Julie si Maxene na nakaupo sa tabi niya. "Ate, ate natatakot po ako..." Napaderetso ng upo si Maxene at yinakap niya si Julie. "Me too Jules." Hangga't sa hindi pa nagigising si Elmo ay hindi nila alam ang mangyayari. Lumipas ang oras at napagdesisyonan nila na si Maxene at Julie ang magbabantay kay Elmo. "Ako po talaga?" Tanong ni Julie nang naghahanda na si Irma. Ngumiti ang nanay ni Elmo sa kanya. "Anak, you were the one he was looking for. And I think mas maganda talaga na ikaw ang una niya makikita pagkagising niya." It's been a few hours since the accident. Technically they know that Elmo is okay since he was able to speak kanina. Pero ngayon ay nagpapahinga siguro ang katawan nitong nabugbog. Nakatulog na si Maxene pero si Julie ay gising pa din. At dahil masisiraan na siya ng bait ay kinausap niya ang tulog pa rin na si Elmo. "Madaya ka. Hindi pwede yung ganito Elmo. Para kausapin kita ganun? Magising ka na." She sobbed. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng lalaki at umiyak. Lumalim ang gabi. Ilang nurse din ang pumasok para icheck si Elmo. May kaunting lagnat din kasi ito. Kinunan din ulit ito ng dugo para i-check kung may infection. "Para saan po yan?" Magalang na tanong ni Julie sa babaeng MedTech. Mataba ito, nakasalamin at singkit ang mata. Ngumiti ito sa kanya na para bang sinasabi na magigin okay ang lahat. "Blood culture and sensitivity po mam. Para lang macheck kung anong klaseng antibiotics ang gagamitin para kay sir. At sana wala po tumubo." "Sana nga po." Sagot pabalik ni Julie Anne. After one hour ay bumalik ang MedTech na iyon. Nasa kalagitnaan ito ng pagkuha ng dugo nang mahinang napaungol si Elmo. Napatayo mula sa kama si Julie Anne. "Elmo..." she whispered. "Sir..." sabi naman ng MedTech at tinapik tapik ang kamay ni Elmo. "Tela tatawag ako ng nurse." At lumabas na ito ng kwarto. "J-Julie?" Elmo rasped out. "Elmo." Tawag ulit ni Julie at hinawakan ang kamay ni Elmo. Dahan dahan na bumukas ang mata ng lalaki. Napaubo ito pero hinawakan pabalik ang kamay ni Julie Anne. He gasped and held tighter. "I'm sorry..." "Sshhh. Wag muna natin yan pagusapan." But Elmo wouldn't have it. Nagpumilit ito gumalaw pero napangiwi. "Ayan ang tigas kasi ng ulo eh." Sabi naman ni Julie Anne. Pinahiga niya ulit ang lalaki. Sakto ay dumating na muli ang mga nurse at ang resident doctor. They checked Elmo's conditions. "We'll have to observe you further and give you fluids and antibiotics." Sabi ng doctor. Nagising na din si Maxene at napayakap ito sa kapatid. "Mosey naman eh! Wag mo na uulitin yon!" Tinext na rin nila si Irma para ibalita ang lahat. Lumabas saglit si Maxene para tawagan ang mga magulang. Linapitan ni Julie ang kama at tiningnan si Elmo. Sa totoo lang medyo naawkwardan na siya ngayon at gising na si Elmo. Gusto niya kasi sigawan ito kaso baka palabasin siya ng ospital. "What were you thinking?" Tanging nasabi niya. Elmo sighed and lied back down. "There was just this adrenaline rush when I saw you with Carlos." Napailing si Julie. "Hindi pwede na gusto mo manuntok e manununtok ka na." "It's not that...you're--" "I'm not yours Elmo." Mabilis na sabi ni Julie Anne. Nagtatapang na ulit siya gayung gising na ang lalaki. Elmo somberly looked at her. And she continued talking. "Plano mo ba ito? Ang lituhin ako?" "No...no Julie." Tila nahihirapan na sabi ni Elmo. Matagal itong nagisip. "Akala ko kaya ko kasi pigilan..." "Ang alin?" Nahihirapan na sabi ni Julie Anne. "What I felt for you..." He breathed in. "What I still feel for you." Nanghihina na napaupo ulit si Julie. Elmo reached out and stroked her hand and she let him. "If you'll let me...I'll prove it to you." =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= AN: At dahil natuwa ako sa votes and comments...tada! Le chap! Haha! So...maghanda tayo. So ayan, naaksidente...este nauntog na ba talaga si Elmo? Papasagasa na lang kaya tayo? Hahaha charot!  Please comment and vote vote! Sabi sa inyo napapaupdate ako sa tuwa eh haha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD