Raven decided to fix her things and wait for her father at the gate. Ang sabi kasi nito ay maaga siya nitong susunduin dahil may pupuntahan silang event. Walang pakealam sa business si Raven, kaya kahit sixteen na siya ay hindi pa siya nakakatapak sa kompanya ng kaniyang mga magulang. Lalabas na sana siya ngunit may humarang sa daraanan niya. She looked up and saw the same faces, again. She's been seeing these faces a lot ever since kindergarten. Ngunit gaya ng palagi niyang reaksyon kapag nakikita ang mga ito, wala. She knows these three. Naging kaklase niya ang mga ito noong kindergarten hangang grade six. Noong mag highschool ay iba na ang sections nila ngunit palagi pa rin siyang ginugulo ng tatlo. "Saan na naman pupunta ang Daddy's girl ng bayan?" Nakataas ng kilay na tanong ng nas

